'enjoy this day, 'cause tomorrow is another day.'
Papunta kami ngayon sa bahay nila Kai. Nakasakay sa kotse n'ya ay nakaupo ako sa front passenger seat, habang nag-iisip. 'Di lang si Oinky ang laman nun box, kundi may kasama rin 'tong letter. And it's obvious na that person is planning something bad for tomorrow or the next day, or what.
"Hey." I looked at Kai nang hawakan n'ya ang kamay ko. "Pwede namang balik na lang tayo sa inyo. I hope mom will understand naman. Sabihin na lang natin na may biglaang emergency."
Kai knew about Oinky and the letter. Pagkakita ko kasi ng laman ng box ay saktong pagdating ni Kai. Kanina n'ya pa iniinsist na 'wag na lang daw kami tumuloy. S'ya na daw bahalang magpaliwang sa mommy n'ya. Pero nakakahiya 'yun shempre.
"Kai, it's okay." He nodded and nagfocus na ulit sa daan.
He's kinda overacting. It was just a death treath, sanay na ako.
Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa bahay nila. Pagkababa palang ng kotse ay rinig ko na ang masayang ingay mula sa loob. Mukhang marami nga ang nandito sa kanila.
"Let's go?" Tumango ako kay Kai before he held my hand.
Pumasok kami sa loob and agad kaming sinalubong ng dalawang batang naghahabulan sa parang receiving area nila. Their house is huge. Well, mas malaki pa rin 'yung sa kanila Lye ng onti, mga 3 percent.
"Leon, Theo. Stop." Sabi ni Kai, kaya napatigil ang dalawang bata. Tumingin ito kay Kai at sa akin bago magtakip ng bibig.
"Tita! Kuya Kai is here na!" Sigaw nung kulot na lalaking bata bago tumakbo papuntang somewhere I don't know.
Hindi pa kami nakakaalis doon ng may marinig akong familiar na boses.
"Tito Kai! Ate Levi!"
OMG. It's Kiana.
"Kiana?" Tinaas ni Kiana ang kamay n'ya para magpabuhat kaya kinuha ko s'ya at binuhat bago tumingin kay Kai na inaayos ang sleeve of my dress na nalaglag nang buhatin ko si Kiana.
I was wearing a white spaghetti strap silk flowy dress na below the knee, and I matched it with a pair of white stiletto heels. And yes, I manage to change my outfit pa after what happened. Nakakahiya kasing humarap sa pamilya n'ya ng nakaonesie lang.
"She's my niece, ate Veronica is my cousin." Paliwanag n'ya.
Tumango ako bago s'ya mag-ayang pumunta na sa living room, kung nasaan ang family n'ya. Nang makarating kami doon ay kinuha agad sa akin ni ate Veronica si Kiana. Ang dami nila. 'Yung dalawang bata kanina ay pinsan pala ni Kai. Si Theo 'yung kulot and si Leon 'yung mas bata.
"Jieven, ate. Kapatid ni kuya Kai." Pagkilala ng isang napakagwapong lalaki na mga I think 16 years old or younger.
May ilang pang nagpakilala sa akin, isang babae na mas matanda kay Kai, si ate Vri. Dalawang lalaki pa na halos kaage lang ni Jieven, si Bryll at Tristan. Lumapit rin sa akin 'yung tito't-tita ni Kai at nagpakilala, bago may isang magandang babae ang lumapit sa akin.
"Hi hija." She greeted me with a wide smile. "I'm Tita Venice. Kai's mother."
Medyo na shookt ako ng very very light. He's Kai's mom, pero she looks like a bit older lang than ate Veronica. Legit, I'm not kidding.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
Storie d'amoreLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."
