Ilang araw na ako dito sa Pale, pero mukhang hindi ko natupad ang balak kong mag-unwind. Dalawang araw na lang ay babalik na ako sa syudad pero mukhang mas nadagdagan ang bigat na dala-dala ko pagkarating ko dito.Simula nung nangyari sa manggahan ay hindi ko na ulit nakausap si Kai. Nagkikita kami paminsan-minsan kapag naglalakad ako sa shore pero hanggang doon na lang. Kahit na gusto ko s'yang kausapin at linawin ang lahat ay hindi ko magawa, dahil s'ya na mismo ang gumagawa ng paraan para makalayo sa akin.
Marupok na kung marupok pero wala eh. Ba't kasi nagpakita pa s'ya? Mukhang natutuwa atang makita akong nahihirapan ng pesteng tadhanang ito eh. Grr.
"Ate Levi?" Pagkuha ni Lara ng atensyon ko. "Kamusta naman po ang pamamalagi mo dito ay?" Tanong n'ya.
"Ayos naman." Sabi ko.
"Hanggang kailan ka pa dito, ate?" Tanong n'ya muli.
"Bale, dalawang araw na lang ako dito." Malungkot na sabi ko.
Mukhang nalungkot rin naman si Lara dahil niyakap n'ya ako ng napakahigpit.
"Mamimiss kita ate." Sabi n'ya.
Sa maikling oras ay napalapit na ako sa dalawang anak ni nanay Merlie, lalo na kay Lara. Napakasweet ng batang ito kaya hindi malabong mapalait ka talaga sa kan'ya.
Nagulat naman kaming dalawa at napatigil sa pagmomoment nang dumating si Dave sa kwarto ko na may hawak na cellphone.
Saan n'ya nakuha 'yun?
"Ate Levi! Ate Levi! Tignan mo 'yung pinahiram sa akin ni kuya Kai! May mukha mo!" Agad namang napakunot ang aking noo nang sabihin n'ya 'yun.
Inilapit n'ya at pinakita sa akin 'yung cellphone. Nagulat ako nang makitang may picture ako doon.
"Yie! Crush s'ya ni kuya Kai." Biro ni Lara.
Luh? Saan n'ya nakukuha ang mga words na 'yun ay?
"O baka naman ay magkasintahan kayo?" Hula ni Dave habang kinakalikot ang cellphone. "Mukhang ang tagal na po nito oh."
Pinakita n'ya ulit sa akin ang screen ng cellphone at nakita ko 'yung picture namin doon years ago.
Nasa kan'ya pa rin 'yung mga 'yun?
"Dave?" Rinig kong tawag ni Kai sa kan'ya mula sa hindi kalayuan.
Nagkatinginan ang magkapatid at sabay na nagwiggle ng kilay.
"Kuya! Dito po!" Sigaw ni Dave.
Sabay na tumayo ang makapatid at nagpunta sa gilid ng pintuan.
Hindi nagtagal ay dumating rin si Kai at laking gulat ko nang itulak s'ya ng dalawang bata at dali-daling lumabas para isarado ang pintuan. Nakarinig kami ng pagtunog ng bakal sa labas. Pumunta si Kai sa pintuan upang subukang buksan ang pintuan ngunit mukhang nilock iyon ng mga bata sa labas.
Tinignan ni Kai ang bintana at dumeretso doon. Malaki ang butas ng bintana kaya magkakasya ang tao doon. Ngunit delikado kapag doon ka lumabas dahil medyo mataas.
Sumampa si Kai sa bintana at akmang tatalon na nang pigilan ko s'ya sa pamamagitan ng paghawak ng braso n'ya.
"Ano ba? Bitawan mo'ko." Inis na sabi n'ya, pero imbis na bitawan ay hinila ko s'ya pabalik.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."