Third Person's POVHindi mapakali si Kai nang makita ang kapatid na papalapit sa kinatatayuan n'ya.
"Kuya! Woy! 'Wag ka ngang istorbo sa kanila mommy." Natatawang sabi ni Jieven habang papalapit sa kuya.
"Why can't you just put aside your pride and talk to your dad!" Unti-unting bumagal ang paglakad ni Jieven at nawala ang ngiti sa mukha n'ya nang marinig ang sigawan ng mga magulang.
"What's that, kuya?" Tanong ni Jieven sa kapatid.
Muli itong naglakad papunta sa pintuan ng silid ng mga magulang at binuksan ito, pero agad ring napatigil nang marinig ang mga sumunod na sinabi ng ina.
"Tignan mo ginagawa ng pride mo! Ginagawa kang mamamatay tao!"
Napatingin si Venice at Tony sa pintuan nang bumuksan ito, parehas na gulat at hindi alam ang gagawin.
"Tignan mo ang ginawa mo." Naiiling na sabi ni Tony bago lumapit sa anak.
"What was that?" Tanong ni Jieven. Sinubukang lapitan ni Tony si Jieven pero lumayo ito. "What does mom mean?"
Maging pati si Kai ay hindi na alam ang gagawin. Nakatayo lang ito sa labas ng kwarto at nakatingin sa kawalan. Eto palang ang pangalawang beses na nakita n'yang nag-away ang mga magulang, pero ganito agad ang kalalabasan.
"Anong ibig sabihin nun?!" Tanong ulit ni Jieven na hindi na mawari kung ano ang magiging reaksyon.
"Your dad is a hitman." Nakayukong sabi ni Venice kaya tinignan s'ya ni Tony.
"What? How?" Tanong ni Kai na pumasok na ng kwarto.
"Nabankrupt ang business natin. Naghanap ng paraan ang daddy n'yo para maiahon muli ang pamilyang 'to. Pero hindi ko naman akalain na ganun pala ang magiging trabaho n'ya." Paliwanag ng ina.
"Bakit hindi kayo humingi ng tulong kay lolo?" Tanong ni Kai sa mga magulang.
"Simula nang palayasin ng lolo mo ang daddy mo dahil sa pagsuway n'ya sa gusto n'ya ay hindi na ulit sila nag-usap. I asked your dad to reach out for your lolo, pero mataas ang pride ng daddy n'yo." Sabi ni Venice.
"Maging lalaki ka naman for your family, daddy." Sabi ni Jieven at tumakbo na paalis ng bahay.
Hindi na gumagalaw si Tony at nakatingin na lamang sa sahig. Iniisip ang mga maling desisyon sa buhay. Kung itutuloy pa ba ito, o hahayaan na masaktan ang pamilya?
Galit na galit na nakatingin si Venice sa asawa.
"See?! Ayan ang sinasabi ko sa'yo, Tony!" Sabi n'ya bago sundan si Jieven.
Sumunod rin si Kai, kaya naiwang mag-isa si Tony sa kwarto.
"I'm sorry. Itatama ko ang lahat ng mali ko." Sabi ni Tony bago kunin ang telepono.
Agad n'yang tinawagan ang boss n'ya upang pag-usapan ang lahat. Nagkita sila sa isang hindi mataong park at doon nag-usap. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Tony at sinabi na ang gustong iparating.
"Ma'am, hindi ko na po kayang ituloy." Agad na sabi nito.
"May kasunduan tayo, Tony." Sabi ng kan'yang boss na may malawak na ngisi. "Papatayin mo si Levi, o ako ang papatay sa mag-iina mo."
Sumilay ang isang takot na reaksyon sa mukha ni Tony at napatingin sa babae.
"Pag-isipan mong Mabuti, Tony. Kung gusto mo pang masilayan ang mga mag-iina mo." Sabi ng boss.
Wala nang nagawa si Tony kundi ang pumayag na lang sa gusto ng babae. Sumakay ito sa sasakyan at agad na napayuko
"Tanga mo, Tony!" Sabi nito bago kuhanin ang cellphone.
"Sorry. Sorry." Sabi nito habang tinitignan ang picture ng mag-iina. "Sorry, Kai." Sabi nito bago itago ang telepono at pumaharurot na pauwi.
Levi's POV
Kanina pa ako tawag ng tawag kay Kai, pero ni isang sagot ay wala akong nakuha mula sa kan'ya. Sobra na akong nag-aalala dito. Pero hindi ako makaalis dahil ayaw akong paalisin ni tito Philip.
"Saan si Sam?' Tanong ko sa mga kaibigan ko nang makalapit ako sa kanila, dahil wala kasi doon si Sam.
"Ayun oh." Sabi ni Lianne at tinuro ang direksyon papuntang cr kaya tumango na lang ako.
The night wasn't good at all. Wala kasi bebe ko eh. Char.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko nang tumunog ako. Omg, baka si Kai 'to, pero laking dismaya ko nang makitang unknown caller.
"Hi, Levi."
Bigla naman akong kinabahan nang makarinig ng bilog na boses sa kabilang linya.
"Who's this?" Tanong ko.
Napatingin naman sa akin ang kambal at ibang kaibigan namin.
"It's doesn't matter." Sabi n'ya at tumawa saglit. "Alam mo kung anong mahalaga? Libingan at kabaong mo."
Sabi n'ya kaya mas kinilabutan ako. Ano 'to?
Sa sobrang kaba ko ay nanginig na ako, kaya kinuha ni Lye sa akin ang phone at s'ya ang kumausap dito. Pero agad ring binaba 'yun nungtumawag. Lumapit si tito, kaya sinabi nila Rye ang nangyari.
Agad namang nagmadali si tito na umalis kasa si tita Alice. Kaya hindi nagtagal ay tinapos na rin ang event at nagsiuwian na kami. Kasama ko ang kambal sa isang sasakyan pauwi.
Nasa front passenger seat ako habang si Rye ang nagdradrive at nasa likod si Lye. Triny ko pang tawagan si Kai, pero hindi pa rin ito sumasagot. Pagdating namin sa bahay ay nakita agad namin si tito Philip na kasama si tita sa living room. May kausap ito sa telepono kaya hindi n'ya kami napansin.
"I need a full security for my children and niece." Sabi ni tito bago ibaba ang tawag at tabihan si tita para pakalmahin.
Lumapit kami kay tita at binigyan s'ya ng tubig. Medyo namumutla na s'ya kaya kailangan n'ya ng bonggang pahinga. Kaya pinagpahinga na namin s'ya, baka makasama sa bata.
"Anong balita, dad?" Tanong ni Rye kay tito Philip nang makababa ito, sinamahan n'ya muna kasi si tita sa taas hanggat sa makatulog.
"Pinatrack ko na 'yung number na tumawag sa'yo. Isa sa mga taong nasa event kanina 'yung may ari ng phone, kasi sa ilalim ng isang table, doon nakita 'yun." Sabi ni tito nang makaupo s'ya sa sofa. Nagkatinginan silang tatlo bago muling magsalita si tito. "Alam n'ya ang lahat ng galaw mo, Levi. Kaya kailangan mong mag-ingat."
Tumango ako bago makinig sa mga sinasabi nila. Hanggat matapos ay hindi nagmessage si Kai. Kaya balak ko sana s'yang puntahan kaso ayaw akong paalisin ni tito, dahil delikado daw. Delikado rin naman dati, pero bakit mas mahigpit s'ya ngayon.
To: Kai
Kai, answer my call. Please
Tinawagan ko rin s'ya after that message, pero hindi pa rin sinagot. Magmamadaling araw na, pero wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kan'ya. Natapos ko na lahat ng take home exams, quizzes and stuff. Pero wala pa ring reply. Kung kanina ay nag-aalala ako para sa kan'ya. Ngayon naman ay kkinakabahan na ako.
Saan ka na ba Kai?
:)))
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
Roman d'amourLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."