"Levi, you look distracted."I look at Lye as soon as she entered my office. Looking serious and intimidating.
"Sorry." I apologized.
"Levi, alam mo ba 'yung business proposal na muntik mo nang i-approve?" Inis na sabi n'ya. "Kung hindi ka pa pinigilan ni daddy at ibang board members, ilalagay mo na sana sa alanganin etong kompanya!"
Napayuko na lang ako nang masigawan n'ya ako.
This is the very first time na namagalit si Lye sa akin ng ganito. I mean sa ilang years na CEO ako ng kompanyang ito, hindi pa ako nakakagawa ng kalokohan. And ngayon, I've been distracted for like a week already, I know. And I don't know why.
"We lost one client because of you. Naalala mo si Mr. Bernabe? Laki ng pinakawalan mo, Levi. Ni hindi mo na nga naasikaso 'yung issue ni Engr. Thomas. Ghad, Levi! Simula nang umabsent ka para lang manood ng CTF nagkagan'yan ka na. Bakit? Dahil ano?" Nakita ko ang pagseryoso ng mukha n'ya. "Ohh. Baka naman ang right question ay dahil kanino?"
She let out a sarcastic laugh before looking at me in the eye.
"Let me just remind you. He was one of the reasons why you almost died." She said before she turned her back on me and leave the room.
I let out a heavy sigh before standing. Pumunta ako sa tapat ng glass wall here sa office ko then stare at the breathtaking view of the city.
"Fuck, Levi! Umayos ka!" I said to myself habang panapalo ko ang ulo ko.
I stopped harassing myself and continue looking at the view.
I can see the bay from here. Parang dati lang, from Uno ko 'to tinitignan. Nung mga panahon okay pa ang lahat, nung okay pa ako, okay pa kami.
I must admit it. I'm missing him big time. Pero, nandito pa rin 'yun sakit eh, 'yung pait.
The moment that I woke up that day, I was willing to listen sa lahat ng sasabihin n'ya. I was ready to close my ears para sa iba, and listen to him. But he didn't show up. Maybe because tapos na eh, tapos na mission n'ya. lol.
Talaga bang hindi n'ya ako minahal? Ganun na ba s'ya kawalang konsensya? Where is he getting the strength to say I love you to me and hug me, kiss me? Like, man? Where? And now, ganito na naman? He's trying to make my life miserable, again?
I let out a heavy sigh and wiped my tears away. I looked at the city before ako bumalik sa table ko to get my things. I need to go somewhere peaceful. I need to be alone.
Third Person's POV
"Congratulations, Japan!"
Dominicano's fan was all disappointed as the announcer announced the winner.
Ni isang panalo ay walang nakuha ang mga Dominicano. Even sa 1v1 na sigurado ang lahat na ipapanalo ni Kai, ay hindi nakamit.
"Kairus! Ano bang nangyayari sa'yo?" Inis na sabi ni Raze kay Kai pagkadating na pagkadating nila ng backstage.
"Potangina naman Kai. Sa dinami-rami ng pwede mong ipatalo, ba't ngayon pa? Sa bansa pa talaga natin?" Sabi ng manager ng Dominicano nang makapasok ito ng room nila sa backstage. "Sa 1v1 na halos tinitigan mo lang 'yung monitor mo. Kahit na alam naming kaya mo namang tapusin 'yun, hindi kita pinakaelamanan. Pero Kai! 'Ni hindi man lang tayo nakapasok ng finals! Naisip mo ba 'yung hirap na ginawa n'yo? Kung alam ko lang na may balak kang ipahiya ang team n'yo sa sarili nating bansa edi sana hindi ikaw ang sinalang ko."
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
Storie d'amoreLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."