It's friday at heto ako na nasa random basketball uniform na provided naman ng school para sa mga magta-try out. It's just a jersey and shorts, both white in color para madaling makita kunh sino ang member at staff sa kung sino ang baguhang gustong sumali.
Napagdesisyunan kong ituloy na lang dahil ito lang ang alam kong paraan na kahit paano ay makabawi kay Harvie. Malungkot na itsura agad ni Harvie ang naiisip ko sa tuwing naiisip kong magback out.
I guess I really have no choice.
"Vion, here!" Harvie shouted at me waving his hand and flashing his charmly smile.
Marami-rami na rin ang nasa gym. Mga official players at mga newbies hanggang sa magsimula na nga kami.
Nagsimula kami sa stretching. Sa stretching pa lang ay makikita mo na kung sino ang hindi nagbabanat ng buto.
"Aray aray!" Angal ng lalaking isang dipa lang ang layo sa akin. This guy got a big tummy. Hindi ko na lang ito pinansin at ayoko namang maging judgemental.
Kasunod ng stretching ay ang iba't ibang mga basketball exercises or basics. Passing the ball, dribbling. Handling. At iba pang mga gusto nilang makita. Tagaktak na agad ang pawis namin sa tagal ng exercises.
"Ayoko na! Bahala na kayo dyan!" sigaw nung lalaking na kanina oa umaangal, kinuha nito ang dala nyang bag at lumabas ng gym na akala mo ay patang-pata ito.
"Oh, kung sino pa ang hindi na kaya, pwede na kayo magquit," sigaw ng lalaking medyo semi-kalbo, he is wearing an official jersey, i guess he is one of the varsity players.
"Okay, that is enough! We've seen enough. Ngayon gusto kong makita ang talagang kaya nyo." sigaw ni Wil na captain nila.
I saw the other players lined up the balls. It was a heck of 25 balls. 5 stack na sa iba't ibang position. Sa right, a forry-five degrees, in the middle and so on. I just thought it is going to be a shooting skills part. Sus! easy peasy naman 'to.
"Shoot, lagot na! Hindi ako masyado magaling mag three point shoot." Rinig kong sabi ng isang nagtry out.
"Baka nga ako out of twenty five balls tatlo lang ma-shoot ko dyan eh," sabat naman nung isa.
Then i saw this guy na parang ganadong-ganado. "Sisiw lang yan. Bring it on!" sabay suntok sa hangin na akala mo eh boksingero. Basketball kaya 'to hindi boxing, napabuntong hininga nalang ako sa mga pinaggagagawa ng mga ito.
"Ano, Vion. Ready bro? Galingan mo ha. Asahan ko yan," cheer sa akin ni Harvie.
Nakakapressure tuloy, isama mo pa ang mga nanunuod ng try outs. Kanina lang ay halos kami kami lang, ngayon ay halos puno na ang buong gym seating capacity.
Everyone is standing and throwing their hands in the air like it's already their turn to shoot kahit pang labing lima pa lang naman. Pang labing pito ako, I decided to just sit on the near bench para tignan lang sila.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
Художественная прозаVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...