Chapter 19 - Ordinary Day

7.9K 458 84
                                    

Three days mula nang mangyari nuong hinatid ako ni Ava sa condo ay three days na rin akong halos walang tulog kakaisip sa nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Three days mula nang mangyari nuong hinatid ako ni Ava sa condo ay three days na rin akong halos walang tulog kakaisip sa nangyari. Three days na rin akong umiiwas na sumabay kumain sa kanila at lagi kong sinasabi kay Yana na may gagawin ako.

Kapag papasok naman sa klase, kung saan kaklase ko si Ava ay sinasakto kong kasabay nang pasok ng professor para wala kaming oras para pakiramdaman ang aming mga sarili dahil sa totoo lang ay nahihiya ako at sobrang awkward, pero syempre hindi ko pinapahalata, kunyari ay patay malisya lang ako sa nangyayari. With that past few days din naganap ang second game namin laban sa ibang school at masaya akong nakapaglaro na rin si Harvie, at dahil duon ay lalong naipakita ang kakayahan ng team namin.

Nandirito ako ngayon sa basketball court at mag-isang nagpapractice magshoot ng mga bola. Wala kaming practice ngayon pero naisipan kong gawin ito dahil hanggang ngayon ay distracted parin ako sa mga nangyari.

"I knew it, dito lang kita makikita." Rinig kong boses galing sa likod ko. It was Harvie.

"Oh, ikaw pala Harvie," mahinahon kong balik sa kanya habang pinupulot ang bola para i-shoot ulit.

"Hanap ka ni Yana kanina pa ha. Is there something wrong, Vion? Ilang days ka nang hindi sumasabay sa amin. Wag mo sabihing nagpapractice ka for the next game? Sipag mo naman," natatawa nyang sabi.

"Nothing is wrong, naging busy lang." Kaunting sagot ko sa kanya pero nginitian ko sya para naman mapatunayan iyon. "Tapos na rin naman ako, i'll just freshen up and I'll go to Yana to talk to her," muli kong sabi.

Matapos kong gawin ang kung ano ay sabay na kaming naglakad ni Harvie papunta kay Yana. I've been too stressed for the past few days at balak ko rin sanang yayain magmall si Harvie at Yana. Naglalakad na kami nang makita kong makakasalubong na pala namin si Yana, at pagsinuswerte ka nga naman ay kasama nya pa si Wil, Ava at Lean.
Great, just great. Halos mapafacepalm ako at nagdadalawang isip kung liliko ba ako pero magmumukha naman akong tanga kapay ginawa ko iyon.

"Best! San ka ba nagsusuot kapag lunch, uwian na at di kita mahagilap?"

Sa totoo lang gusto ko naman kasama si Yana kaso madalas kasama nya si Ava kaya sya nadadamay sa pagiging missing in action ko.

"Busy lang, Yana, may inuutos kasi sakin si Sir Masario," balik ko kay Yana.

All of them are standing just near me with Yana. Hindi ko man lang magawang tapunan ng tingin si Ava na alam kong matalas ang tingin sa akin ngayon. I need to focus, hindi ako dapat kakitaan na nababalisa.

"Nagiging Favorite ka na ata ng mga Profs dude ha. How to be you?" tatawa-tawang asar sa akin ni Wil na hindi ko nalang pinansin.

I was trying to calm myself dahil asiwa pa rin ako sa presensya ni Ava. Ang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo ay daig pa ang sumali ng marathon. Yeah, kinakabahan lang siguro talaga ako. Natetense kay Ava.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon