Filename: Vienne-D49 video Uploaded.
"Thankfully, nothing happened to me on that province, except for that thing I saw when you changed." Kwento sa akin ni Yana dito sa kotse ko habang papunta kami sa university para pumasok.
Yana is curling her eyelashes and putting her lipstick on. Nainggit ako dahil hindi na kasi ako nakakagamit nuon pero at the same time, masaya ako dahil wala na akong masyadong pinagkakaabalahan ayusin kundi ang buhok ko lamang at susuotin ko. Mahirap nga maging babae sa totoo lang, idagdag mo pa na wala pang period na nakakasagabal.
The university welcomed us with a loud noise coming from the speaker, playing a random song. The school looks busy as heck at maraming estudyante ang padaan-daan. It is now the fiesta or carnival event sa school. Wala nito sa Pilipinas as far as I know pero dahil western approach itong prominenteng university namin ay mayroon kami nito.
Different booths are present all over the place. Food stores, activity booths at kung ano-anong pakulo ng bawat clubs at associations. Ewan ko ba sa university na'to. Hindi nawawalan ng event. Hassle na sa academics at pati sa ganito pero masasabi kong mas maganda naman ito kaysa wala.
"Hey guys!" bati sa amin ni Mark na nagfist bump pa kami. Wow, lalaking-lalaki dating ko no? My gosh, kesa naman bumeso-beso kami at mapagkamalan pa akong bakla.
Lahat kami ay umupo sa kanya-kanya naming pwesto sa cafeteria. Wala kaming pasok kaya naman malaya kaming nakakagala sa kung saan at magparticipate sa mga programs.
"Kailan kaya ilalabas yung list ng mga ivovolunteer for charities?" tanong ni Dazzy habang hawak yung sandwich na kabibili nya.
"OMG! I'm excited for that. I wonder kung sino-sino sila. I think wala na ako duon dahil last year napasama na'ko," sabat naman ni Camille.
"Same here. For sure wala na rin ako duon," singit naman ni Mark.
Teka ano bang pinagsasabi ng mga 'to?
"Ah, guys, mind to tell me what are you guys talking about?"
"That's the volunteer for charities. Every year nagpapaskil ang school ng mga random names sa university online portal na pwedeng i-bid ng mga unchosen student to date them. Parang blind date ganun. Those money they will get from bids will be donated to charities. Student Council usually ang namimili ng mga names." Finally, may sumagot na sa tanong ko. It's Harvie.
"That's so bullshit. Volunteer pero sila ang mamimili. Asan ang volunteer dun?" mataray na sabat ni Ava.
"Hindi ba pwedeng umatras kapag napili? Pano kapag ayaw mo?" tanong ko sa grupo.
"Well, best Vion. You can't decline and if you do, parang tingin sa iyo ng students eh walang puso para gawin 'yung sa assigned charity na nakaasa sa iyo plus a month detention." Yana frowned. Mukhang nadali rin ito ng program na'to.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
General FictionVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...