One week na.
Isang linggo na akong nagpapaliwanag kay Yana magmula nang magkita kami sa Hender building, I refuse the fact that she will not believe me at hindi pwedeng hindi sya maniwala, so ano? Mali yung two-reveal rule? Mali yung pag-analisa namin ni manang Ester? Thinking that we might be wrong makes me feel helpless. Hindi pwede, hindi pwedeng mali iyon kaso duon nalang ako humuhugot ng lakas para magpatuloy sa nangyayari.
Sa totoo lang ay medyo napapagod na rin ako kakahabol para lang paniwalaan ako ni Yana. I told her everything from top to bottom. Walang bahid, walang kulang. I also asked her to ask me a lot of questions at halos umabot kami ng gabi nnuong nakaraang araw para lang makumbinse ko sya. Mga tanong at sagot na kami lang ang nakakaalam pero heto pa rin sya, in denial sa lahat.
Sa isang linggong iyon ay wala pa kaming seryosong pasok at ganuon daw talaga sa first week of new classes, pumasok ako ng 1st day sa bawat klase ko pero halos pito o sampung tao lang ang naaabutan ko sa room, pabawas ng pabawas pa ito sa mga sumunod na araw ng unang linggo na iyon. Kaya pala, wala pa naman kasi pala talagang klase pa.
I saw Yana at the end of the same path where i am heading to, holding her sling bag with a straight face as she comes closer. Kaunti na lang ay magkakasalubong na kami. I didn't bother to make an eye contact on her anymore and just wore a sad and most disappointed face, facing the ground while walking ahead hanggang sa magkalagpasan kami.
Naisipan ko na lang umupo sa ilalim ng puno at nakatingin sa soccer field na may mga players na animo'y nagpapractice.
Buti pa sila, kahit pasipa-sipa lang ay nag-eenjoy sa ginawa nila.
Wait di ba halos second week palang may soccer na agad? as i thought. I sigh at natulala sa kawalan kasabay ng ilang mga nakaupo rin sa gilid ng field pero medyo malayo layo rin naman. Hindi maalinsangan at hindi rin naman malamig ang panahon, sakto lang lalo na at nakasilong ako rito sa ilalim ng puno ng akasya.
"So ano yan sight seeing ng mga yummy boys?" I heard but ignored it since my mind is busy wandering on another planet. Baka naman kasi sa katabi ko yun. Ewan ko, wala ako sa mood at halos tamad na tamad akong maki-alam sa mga bagay nabagay ngayon. Daig ko pa ang depressed.
Itutuloy ko na sana yung pagmomoment ko ng biglang may magsalita ulit.
"OMG PALAKA! PALAKA SA TABI MO!"
At dahil takot ako sa palaka. I stood up fast na kahit si flash ay mahihiya. Nagsisisigaw ako sa kaba. Hindi ko pa man nakikita ang palaka ay otomatikong nakalarawan na sa isip ko ang isang hayop na may lumulobong lalamunan at handang tumalon sa akin.
"PALAKA! SHIT PALAKA... NASAAN? ASAN?" I roamed my eyes on this gorgeous green grass under the tree. Natauhan ako ng kaunti nang wala naman akong makitang palaka and i saw how other students look at me weirdly at ang magaling na si Yana, heto halos nakayuko at tawa ng tawa sa gilid, ilang dipa lang ang layo sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
Genel KurguVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...