Chapter 10 - The University Portal

8.2K 427 11
                                    

I am now here in my condo and thankfully ay weekend at makakapagrelax ako ng maayos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I am now here in my condo and thankfully ay weekend at makakapagrelax ako ng maayos. Manang Ester is here too, helping me with some stuffs since sobrang busy ko sa school nung mga nakaraang araw. Kung ano-ano na agad ang ipinapagawa sa amin ng mga professors namin, specially the pa-major ones.

"Vienne, tumawag yung dad mo at kinakamusta ka."

Agad akong napatayo sa sinabi ni manang Ester mula sa magandang pagkakahilata ko sa sofa pero kahit ganuon ay batid ko ang kaba. Kaba na baka ipinilit ni Dad na makausap ako.

"Really manang, What did he say?" halos mabilaukan ako sa paglunok ko sa sarili kong laway sa kaba.

"He wanted to see you sa video call. Ako na ang sumagot iha kanina. Ang sabi ko busy ka sa school mo at maraming ginagawa pero sinabi ko narin na okay ka naman at mabuti ang kalagayan mo" mahinahong sabi ni Manang Ester habang nagtutupi ng kung ano, twalya, damit? I don't know. Masyado akong tuliro sa kaba.

I immediately gave manang Ester a hug and thanked her, i dont know what to do kung hindi ko sya kakampi aside from Yana. Baka pagala-gala na lang ako sa kalsada kung hindi nila ako pinaniwalaan. Walang pera, walang bahay, walang nakakakilala. Walang record ng kapanganakan. Daig pa ang galing sa ibang planeta.

"Nako, ikaw talagang bata ka ke-sweet sweet pa rin kahit lalaki na ang dalaga namin. Mapagkamalan kang bakla nyan ha," natatawang asar ni manang Ester sa akin.

"Manang naman, nagsesenti ako dito eh binabasag mo!" agad kong simangot kay Manang pero alam nyang sa dulo eh tatawa lang rin naman ako sa pagkachildish ko paminsan-minsan.

After few hours, I got lazy and decided to go to my room, throw myself on the bed and open my laptop out of boredom, and after a decade of thinking, i ended up scanning our university's portal. Naroon na rin lahat-lahat ng news about the school and students.

Ilang segundo lang nang naalala ko yung try outs ko sa basketball team, alam ko namang pasok ako pero napagdesisyunan ko pa rin na tignan ang sports tab at basketball section. Hindi naman sa mayabang pero sports talaga ang isa sa mga forte ko kahit ano pa iyan.

Congratulations! The names below are the newest members of the basketball team!

VION KREN HEATHERSON

At iba ba pang kaunting pangngalan.

"Who the heck is vion kren heatherson?" frustrated kong bulong sa sarili nang maalala ko kung ano pa rin ako sa mga oras na ito.

Now, i am zoning out. Not looking at the page flashing on my computer, but gazing at my reflection on it from the dark background of the news page. A short haired pretty handsome guy. I really need to figure this out. I miss the old me.

At dahil frustrated ako ay nagdecide na lang akong i-explore pa ang online news portal ng university at laking gulat ko na mayroon din entertainment at gossip page ang site.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon