What did he mean by that? Kakakilala pa lang namin sa isa't isa.
Ang mga sinabi niyang iyon ang tanging laman ng isip ko noong mga sumunod na araw.
Ilang araw naman na ang dumaan at hindi naman na siya nagpakita sa school namin. Hindi siya dumadalaw at hindi ko naman tinanong sina Harvey tungkol sa kaniya.
I heaved a deep breath before going in. Hinahanda ang sarili sa kung ano'ng mayro'n sa loob. Nakahinga ako nang maluwag matapos makita si Mama na mag isa at naghahain na.
We live in a small apartment that has two bed rooms. Pagmamay-ari ito ng pamilya nina Toby. Kahit ayaw ni Tito Jeff kay Castor at kahit hindi sila close ni Mama, nag-magandang loob siya na patirahin kami rito. Hindi nga lang pumayag si Castor na hindi kami magbabayad dahil ayaw daw niyang magkaroon ng utang na loob kay Tito Jeff.
Tila nawala ang bigat sa dibdib ko nang maunahan kong makauwi si Castor. I don't want to see him, and yes, I call him Castor. There's no way in hell I'm going to call him Papa. Hindi naman siya nagpapakatatay sa akin.
Naalala ko tuloy noong inihatid ako noong si Everett dito, nagmamadali rin ako dahil ayaw kong makita si Castor.
Tiningnan lang ako ni Mama bago nagpatuloy sa pag-aayos. Ang plato na inihanda niya sa lamesa ay para lamang sa dalawang tao. Paniguradong hindi para sa akin 'yon.
I walked towards the refrigerator and got myself a cold water. Nagsalin ako sa water bottle ko at agad na inilagay sa bag. Inilabas ko rin ang tupperware galing sa aking bag at mabilis na hinugasan iyon sa lababo.
Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng kanin at ulam. Not minding the cold stares of my mother.
"Tama na 'yan. Ang dami mo naman kumuha ng ulam, patay gutom ka ba?"
I sighed and stop getting food. I faced my mother and smiled sarcastically at her. Ayaw patulan dahil nanay ko pa rin.
I'm not close to my mother. Nang mamatay si Papa, wala siyang ibang inisip kundi ang paano niya sasabihin sa lahat na may relasyon sila ni Castor at magsasama na. Umiyak lang ata siya dahil wala nang magbibigay sa kaniya ng pera.
Aside from the fact that I'm a ballet dancer, this is the reason why I'm slim. Minsan lang makakain dahil kadalasan ay pinagdadamutan. Maganda lang tingnan dahil may hubog ang katawan ko. Nobody notices it because everyone thinks my body is like this because of ballet.
Inayos ko ang tupperware at agad pumunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto at humiga sa kama.
Kinain ko iyong pagkaing kinuha ko sa baba at pagkatapos ay inayos na ang mga gamit ko sa aking bag. Tiningnan ko ang pointe shoes na pasira na. Hindi pa ako makabili ng panibago dahil nag-iipon pa lang ako.
My father left me a bank account with some money but I won't risk spending it. Hindi iyon alam ni Mama kaya mas ayos na siguro na ganito kahirap ang sitwasyon ko.
Kinabukasan ay maaga ako nagising. Mabilis akong kumilos at nagbihis. Hinugasan ko iyong pinagkainan nila na nakatambak sa lababo at ang akin. Nang may maramdamang akong kumikilos sa may bahagi ng kwarto ay dali-dali akong umalis.
Nakahinga lang ako nang maluwag pagkalabas ko ng apartment na 'yon. Tila sinasakal ako tuwing nasa loob ako at may kasamang hindi katiwa-tiwala.
Inayos ko ang gusot na damit habang naglalakad papunta sa school. I hugged myself tight. Realizing that warmth would only come from myself.
It's only 5am in the morning and I'm already at the streets. Kakagising pa lang ng iba, habang ang karamihan ay hindi pa bumabangon at itinutuloy pa rin ang pagtulog.
YOU ARE READING
All Alone
RomanceInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...
