Chapter 17

98 2 0
                                    



"Bitiwan mo 'ko!"

Magkakasugat na ako dahil sa diin ng pagkakahawak niya sa akin. Kanina pa ako nagpupumiglas dahil kanina niya pa rin ako kinakaladkad.

Some people are already looking at us but no one dared to meddle. Kung titingnan mo naman kasi kami ay para lang kaming mag-ama na kinakaladkad pauwi ang disgrasyadang anak. Hindi ko sila masisisi pero sana kahit isa may sumubok.

Apathy sucks.

"Saan mo ba ako dadalhin?! Ipapahuli kita!" tinatagan ko ang aking mga paa para hindi madala sa kaniyang paghila.

He turned to me when he realized that I'm fighting his hold. Bumalik siya nang ilang hakbang para malapitan ako. Iniiwas ko ang aking mukha nang makita kong nagtaas siya ng kamay. But it didn't meet my face.

Lumuwag ang hawak niya sa akin kaya napatunghay ako. For a split second, I hoped that someone interfered. I also badly hoped that it was Eve.

But it's not.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman nang makitang si Trevor iyon. Masaya ba dahil hindi niya ako hahayaang masaktan ng iba o malungkot dahil alam kong iba rin ang pakay niya.

"Don't hurt her. Kasama 'yan sa usapan natin, 'di ba?" padarag na binitiwan ni Trevor ang kamay ni Castor na dapat ay isasampal sa akin.

Umayos ako ng tayo at humakbang paatras. Nanunubig pa rin ang mga mata dahil alam na sa mga pagkakataong ito ay walang tutulong sa akin.

"Nasa'n muna ang bayad mo?" inilahad ni Castor ang kaniyang palad.

Trevor laughed before getting something in his pocket. Napaluha ako at luminga sa paligid habang nag-aabutan sila ng pera. 

"Tangina ka, bakit kulang 'to?" reklamo ni Castor pagkatapos mabilang ang pera.

Nilingon ako ni Trevor nang makitang hindi ako mapakali. Sinuyod niya ako ng tingin bago inis na bumaling sa kausap.

"Tangina mo. Ang sabi ko, hindi ko bubuuin ang bayad hangga't hindi ko nagagalaw!"

How did this guy know me? Bakit sa lahat ng tao, ako pa ang naisipan niyang gaguhin? Tangina. Hindi naman ako pinagbebenta! I don't even work for something sensual, but it seems like I'm always available at the market.

"Aba! Paano ko naman malalaman kung may nangyayari na?"

I eyed a man in his 20s. May dala siyang paper bag na galing sa sikat na pamilihan. He was fiddling with his phone so he won't notice us. Dadaan siya rito sa likod namin kaya p'wede akong humingi ng tulong sa kaniya.

I inhaled a deep breath. Naririndi na sa pagtatalo ng dalawa sa harap at napapagod na rin sa lahat ng nangyayari. Nang ilang hakbang na lang ang layo noong lalaki ay bumaling na ako sa harap. Nagpapatay malisya. Sinadya kong iatras ang kaliwa kong paa sa dadaanan noong lalaki.

Nanginginig kong binalingan iyong natapon na mga pagkain galing sa dala noong lalaki. The two bastard in front of me was bothered because the guy stumbled to Trevor.

Habang abala si Trevor sa pagpupunas ng kaniyang damit ay nagkukumahog akong tumakbo palayo. I was crying while running. Marami akong nabangga at naabala pero hindi ko na magawang humingi ng tawad. Lalo na at rinig ko ang sigaw nina Trevor.

All AloneWhere stories live. Discover now