"Nasaan 'yung suman, Ate?"Napatawa ako sa tanong ni Elide kay Eloise. Nandito na kami ngayon sa may labas ng bahay nila at unti-unting ipinapasok ang mga gamit at pagkaing dadalhin sa van. Nailagay na ni Eliandra sa isang van iyong mga turon kaya iba naman ang hinahanap ngayon nitong si Elide.
"Anong suman?" Eloise asked back after arraying her things inside the van.
"Iyong pa-box na gawa nina Nanang?" tanong ulit ni Elide. He then realized that his sister doesn't know anything so he went to his oldest brother.
Nasa tabi ako ni Eve. Tinutulungan niya iyong girls na maglagay ng gamit, pero sa tabi ko pa rin bumabalik. Nailagay niya na iyong amin kaya wala na akong inaayos. Tinutulungan ko sila kanina kaso ay pinaupo niya na lanh muna ako rito nang sila-silang boys na ang nagbuhat ng halos lahat. Napatigil kaagad si Eve sa pagbubuhat ng gamit nina Elle nang lapitan siya ng bunsong kapatid.
"Kuya, 'yung suman, nasaan?"
"Anong suman, Allen?"
"Iyong ginawa nina Nanang!"
"Wala pa ba sa kabilang van?" Nilingon ni Eve iyong isang van na puno lang ata ng gamit at pagkain. Dapat ay hahatiin silang magpipinsan sa kung sino ang sasakay rito sa isa at roon sa kabila, pero naisip nina Riva na mas masaya kung magsisiksikan kami rito.
"Wala... ata."
"Tingnan mo muna. Kapag wala, baka nasa loob pa. Magpasama ka kay Earl."
Ngumuso si Elide at tiningnan nga sa kabilang van kung naroon ba ang suman na tinutukoy niya. Ang wirdo talaga ng pamilyang ito. Suman sa family bonding? Hindi naman nga masama...
Natawa ang katabi kong si Riva habang na kay Elide rin ang tingin. Kinatok pala ni Elide iyong driver ng van na iyon dahil hindi niya ata mabuksan ang pinto. The driver went out and opened the door for him. Isang tingin lang sa loob, umiling na kaagad siya at nagpasalamat doon sa driver.
He then went to the other van and stopped beside it. Lumingon siya sa gawi namin at sinenyasan si Ethan na lumapit. Umiling si Ethan at niyakap ang sariling mga braso. Sinenyasan siyang muli ni Elide kaya nakanguso at napipilitan na siyang lumapit.
"Inuto pa si Ethan," tumawa si Earl.
"Alam kasi niya na magagalit sa kaniya si Tita Emma kapag ginising niya dahil lang sa suman," si Lizette, sinusubukang ipaliwanag sa akin ang nangyayari.
Tumango-tango ako at ibinalik ang tingin kina Elide. Inilagay niya sa kaniyang unahan si Ethan bago binuksan ang van. Patay ang ilaw ng van at may mga kumot akong nakita. Tulog na nga ata ang mga magulang nila.
Ethan looked inside and said something. Kinalas ni Elide ang pagkakahawak niya sa bata nang magpumilit itong pumasok. Leaving him alone outside.
He pouted before saying something. Nabuhay ang ilaw ng van at umayos ng upo si Tita Emma. Dahilan para makita niya kami at ganoon din kami sa kaniya. Hinawi niya ang kumot na pilit inilalagay ni Tito William sa kaniya.
Elide stomped his feet and explained the situation to his mom with matching hand signs. Pakunot nang pakunot ang noo ni Tita Emma at nang tumingin sa gawi namin ay halos malusaw ako. Miraculously, she smiled at me. Hindi iniintindi ang mga sinasabi ni Elide at nakangiti lang sa akin.
Nilingon din ako ni Elide. He nudged his father this time when he realized that Tita Emma is too focused on me. Kinawayan lang ako ni Tito bago lumipat ang tingin kay Eve.
"Everett!"
Bumuntonghininga si Eve bago patakbong lumapit sa kaniyang ama. Riva then started explaining to me the situation. Mas takot daw sina Earl kay Eve kaysa kay Tito William. Alam daw ni Eve kung paano resolbahin lahat ng problema nina Earl. Kaya ngayon ay siya na ang tinatawag.

YOU ARE READING
All Alone
RomanceInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...