He is in love with me.Sinabi niya 'yon, hindi ba?
Napabangon ulit ako mula sa pagkakahiga sa couch dahil sa frustration sa iniisip. Pagkauwi ko, nagpalit kaagad ako ng damit at humiga sa aking kama. Pero isang oras na ata ang nakakalipas, tulala pa rin ako. Kaya lumabas ako rito at sinubukang dito muna matulog.
Inis kong binalingan iyong mga pagkain na binili niya. Inalis ko ang malaking comfoter na nakatabon sa akin at kinuha ang mga 'yon para maiayos sa loob ng ref.
"Ibig sabihin, pagkatapos niyang bumili sa café, pumunta pa kami sa kainan ng pares?" I murmured while looking at the food.
Hinintay niya pa 'yung pares. Malamang medyo nagtagal iyon kahit kaunti... bakit hindi man lang ako nagising?
And about that love love love, was he really serious?
Hindi ba niya girlfriend si Jackie?
Bumuntong-hininga ako at umupo sa may kitchen table. Eve is not the type of guy who'll date two girls at a time. Argh! We're not dating!
Hindi nga kami nag-da-date pero sinabi naman niyang mahal niya 'ko. Parang mas malala ata 'yon?
In the end, I didn't get any sleep. Iniinit ko na lang iyong pares niya at pagkatapos kumain ay nagbabad muna sa bath tub.
I was busy deciding on which bath bomb I will use again when my phone rang. Basta ko na lang inilubog sa bath tub ang bath bomb at inabot ang aking telepono.
Dumulas ang pagkakatuon ko sa haligi ng tub nang makitang si Everett iyon. Natuliro ako bigla at hindi alam kung sasagutin ba iyon o hindi.
If I don't answer him, it'll be more awkward than it already is!
Ayaw ko namang ipahalata na masyado akong apektado! Oo at hindi naman ako madaling ma-distract sa pagsasayaw at pagtuturo, pero sa tagal naming nagkita, baka hindi niya naman alam iyon. He'll probably think otherwise. Sayang ang donation niya at baka masayang din ang taon na ginugugol ng mga bata sa pag-aaral sa school namin, sa class ko.
Okay, I have to pretend like I heard nothing, like nothing happened.
Iyon lang naman talaga ang magagawa ko lalo na kung hindi naman siya magpaparamdam, 'di ba?
I inhaled a deep breath before answering, nakatagilid sa bath tub para hindi mabasa ang cellphone, "Hello?"
"Oh, you answered. Kung hindi ka sumagot sa isang ring, iisipin ko na sanang natutulog ka pa."
I sighed and adjusted my position to cover my mouth with the water. Hindi ako makapag-isip ng maisasagot.
"Do... you need anything?" Napapikit ako nang iyon lang ang masabi. Inilubog ko ang katawan ko lalo, pero iyong tama lang para hindi maabot ng tubig ang cellphone ko at ang bibig ko.
"... I'm in front of your tower... are you ready to go?"
Napabangon ako. Biglaan iyon kaya narinig niya ang tunog ng tubig. Narinig ko ang pagsinghap niya ahabang ako naman ay lumilinga-linga para hanapin kung saan ko ba inilagay ang tuwalya ko.

YOU ARE READING
All Alone
Storie d'amoreInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...