Chapter 14

105 2 0
                                    



"Akala ko..." hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi dahil wala naman atang nakikinig sa akin.

We're in Everett's house. Or should I say... mansion?

Hangang-hanga ako kanina noong papasok pa lang kami. Kahit nasa may gate pa lang, masasabi mo nang maganda ang loob. Gabi na at mailaw sa front yard nila. May fountain pa roon na kitang-kita dahil sa ilaw na nakapaligid dito. I never imagined that a house like this can be so lively. Kahit medyo malaki, buhay na buhay.

Kagulo ang mga babaeng pinsan ni Eve sa pag-aayos sa akin. Lahat ata silang babae ay narito. Binati ako kanina ng dalawang kapatid ni Everett na lalaki noong papasok pa lang kami. Galing ata sila sa pool noon dahil basang-basa pa sila. They just went to the front to greet me.

Gabi na pero maliwanag pa rin sa buong bahay nila. I didn't saw their parents though. Kahit ang mga helpers ay wala rin akong nakita. Hinila lang ako ng limang ito paakyat sa malaking kwarto sa taas. I guess it's a guest room. Neutral lahat ng colors at halos lahat ng gamit ay hindi pa nagagalaw.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ako aayusan? Maghahating gabi na at wala pa rin kaming inaayos. Ganito ba mag-surprise ang mayayaman? Gagawin ba nila akong clown? Ano?

"This! This would fit her perfectly," rinig kong sabi ni Elle habang itinuturo ang parang nasa portfolio.

"But this would compliment her skin tone more," giit ni Eloise at may itinuro ata na iba.

"I think this is her style," si Eliandra.

"That's too simple, Eliandra," umiling si Elle.

I sighed and looked away. Ako ba ang tinutukoy nila? Why do I need a dress?

Nasa harap ng tukador si Riva at tinitingnan ang mga makeup na naroon. Iniisa-isa niyang tingnan ang bawat shade at ang iba ay sinusubukan sa sarili. I think she's the one who'll do my makeup.

I smiled back when Lizette smiled at me. Buti pa siya, chill lang. Hindi siya nakikisali roon sa mga pumipili ng damit dahil siya ata ang naka-assign sa jewelry. Si Eloise naman sa shoes pero nakikisali siya roon kina Eliandra dahil hindi raw maalam si Elia.

Kung magkakasama siguro kaming magpipinsan, ganito rin kami. Puro kami babae, e.

"Hindi pa ba kayo nakakapili?" Riva asked and turned to the three girls.

"No, Ate. Hindi kami magkasundo sa pagpili," ani Elle.

"Call them and just let them bring everything," mungkahi ni Riva pagkatapos ay binuksan ang ilaw roon sa may vanity.

"Everything?" gulat na tanong ni Eliandra.

"Yeah, we'll pay them naman so it's okay," sagot ni Riva.

She smiled at me when she saw me staring at her.

"Halika rito, Sienna," she tapped the chair in front of the vanity.

Dahan-dahan naman akong pumunta roon. She removed my hair tie and started brushing my hair.

"Gusto mo bang maligo muna?" she asked.

"P'wede ba?" mahina kong tanong pero alam kong rinig ng lahat.

"Sure!"

She gave me a paper bag which I assumed is undergarments. Itinuro niya ang banyo na naroon na mabilis ko namang nilapitan.

Mabilis lang akong naligo. Namula agad ang mukha ko nang buklatin ko ang laman ng paper bag. Maraming sizes doon na p'wede kong pagpilian. Sino naman kaya ang bumili nito?

All AloneWhere stories live. Discover now