note : this story is already finished, tinatamad lang akong mag-edit hahahahaha
also, I shortened this chap upon editing :)❁
"Hindi mo naman kasalanan, e."
I pulled him up and touched his cheeks.
"In New York, when I was still blaming you, I eventually decided to forgive you for myself," I cupped his cheeks so I can wipe his tears away. "But I'll still forgive you now for your own good."
Napapikit siya at dinama ang hawak ko.
"I am sorry for blaming you for what happened, I hope you don't end up regretting it forever."
Ilang sandali pa siyang natahimik. I made him drink water, so he can relax a bit. And... after a while, we started talking like friends. Like before...
We spent the entire evening together. He was also updating me about the case and I was glad to hear that Castor is now in prison.
"Kailan siya nahuli?" tanong ko habang kinakain ang dessert na in-order niya.
"When you were still in New York. Sinusundan siya ng mga tauhan ko at napag-alaman na may tumutulong pala sa kaniya. He went to you that night sa club."
Napainom ako ng tubig dahil parang may naaalala ngang ganoong pangyayari. I was drunk. Kung ganoon, hindi pala iyon imahinasyon ko lang! Lalong hindi rin panaginip!
"Doon siya nahuli ng tauhan mo?" kuryoso kong tanong.
"Binisita..." nagbaba siya ng tingin, umiiwas sa akin. "...kita noon kaya naroon din ako. It was your birthday and I wanted to see you."
Nagulat ako. I didn't know this!
"Ang tauhan ko ang pumunta sa bastardong iyon at ako naman ang lumapit sa 'yo. I wanted... to talk to you and be with you much longer, but your friends and cousins arrived." He looked hurt.
"Hindi ako puwedeng magpakita sa kanila dahil alam kong galit din sila sa akin," he chuckled and pulled the dessert to his direction. Gamit ang tinidor ko ay kinain niya iyon.
"Alam ko rin na... hindi ka pa ayos. Even the mere sight of me would hurt you."
Nasa byahe na kami ngayon pauwi. I was again, in his car. Patuloy pa rin ang pag-uusap naming napahaba na nang napahaba.
"Iniupo kita sa bar island at kinuhanan ng tubig. You probably don't remember that."
Nilingon ko siya, nagugulat. I remember that! Clearly!
Gusto ko sanang sabihin pero baka wala rin namang patunguhan.
"Eve," tawag ko. Napalingon siya kaagad sa akin. My brow shot up and I realized why.
Ngayon ko na lang ulit siya tinawag na Eve.
Tumikhim ako bago nagsalita, "Bukod ba doon, may ibang pagkakataon ba na binisita mo ako?"
Pabalik-balik na ang tingin niya, sa akin at sa kalsada.
"Why?"
Itinigil niya ang sasakyan sa harap ng condo ko. Kinalas niya ang kaniyang seatbelts para makaharap na nang maayos sa akin.
"Wala naman. I know there's no point rehashing the past, but I wish my visions were true," bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay pagkasabi noon.
"What visions?"
"Visions of you. Lagi kitang nakikita. Weird 'no?" tiningnan ko siya.
Iniwasan niya ang tingin ko.
YOU ARE READING
All Alone
RomansaInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...