"Why do people love to apologize for mistakes that they don't even consider a mistake?"Nilingon ko ang kaibigang lunod na sa mga iniinom namin. This question bugged me for five years. Nakalimutan ko na noong mga nakaraang buwan pero dahil uuwi na kami ay naalala ko ulit.
Kasi sa pagkakaintidi ko sa sinabi ni Everett na dahilan dati, nagdesisyon siya para sa akin kasi sa tingin niya iyon ang makabubuti.
"Siguro... dahil alam niya na hindi mo nagustuhan iyong ginawa niya?"
I shook my head in dismay as I sipped in my glass. Ibinaba ko rin iyon kaagad nang malamang hindi naman na pala malamig. Sinuri ko na lang ang paligid at doon itinuon ang pansin.
"Nasa'n na ba si Marvin? Kanina pa 'yon wala ah?" Toby asked while getting another drink.
Mag-uumaga na at nandito pa rin kami sa isang rooftop bar. Piniling magpakalasing bago ang flight namin mamaya. Marvin was here a while ago, but he excused himself. Kanina pa kami naglolokohan dito ni Toby at hindi pa rin siya bumabalik.
"Let's just go," anyaya ko at tumayo na.
Ibinaba ko ang aking skirt na medyo tumaas na dahil sa matagal na pagkakaupo. Isinukbit ko ang bag sa balikat bago inalalayan ang lasing na kaibigan.
Good thing we already paid for our orders before we could even drink. Tumango ako sa isang staff doon na lumiwanag ang mukha nang makitang paalis na kami. I chuckled and just guided Toby out of there.
I couldn't get the answer that I want. Why do people love to apologize for mistakes that they don't even consider a mistake?
It's just a simple question. I asked random people that question all over and over again, but I'm not satisfied with their answers. Ang dalawa kong kaibigan ay rinding-rindi na sa akin.
Lahat ata ng puwede at posibleng sagot ay naisagot na nila, matahimik lang ako. Pero hindi pa rin. That is why I'm looking forward to this day. Naduduwag lang akong umuwi pero gustong-gusto ko na.
Ngayong pauwi na ay niyaya ko pa si Toby na uminom. Hindi ko alam kung broken-hearted ba si gaga o sinakyan lang talaga ang trip ko.
"Welcome home!"
I rolled my eyes to my cousins when I saw them holding a huge tarpaulin. Naroon ang pangalan naming tatlo at may mga picture pa.
"Oh, my gosh! Welcome back!" bati sa akin ni Ila at niyakap ako.
Wala sina Tita at wala rin sina Henry. The twins didn't know that we're already going home. Akala nila ay sa isang buwan pa. Ako lang ang nagpumilit na umuwi na agad ngayon nang hindi nila alam.
Ipinaubaya ko na ang aking gamit kina Toby. Abala ako sa pagbati sa mga pinsang ngayon lang ulit nakita at ako na rin mismo ang nagtupi noong tarpaulin.
"Where's Lacy?" I asked when I didn't see my other cousin.
"Oh, wait." Kinatok ni Ila ang bintana ng sasakyan ni Lacy para palabasin ang kapatid.
Agad na lumabas ang aking pinsan at sinalubong kami. Lacy shoved her phone inside the pocket of her jeans before greeting us. Mukhang problemado pero pinipilit maging kalmado. Saglit pa kaming nagbatian bago nagdesisyong umuwi.
"Hindi ko kayo mami-miss," ani ko kina Marvin nang yumakap sa akin bilang paalam.
"Sawang-sawa na nga rin ako sa mukha mo, e," pasiring na sagot ni Marvin.
"Tama na 'yan. Pagod tayo pare-pareho," awat ni Toby.
"Pagod o may hangover?" si Marvin.
Umirap ako at inayos ang sunnies na nahuhulog na. I waved at them before getting inside Ila's car.
YOU ARE READING
All Alone
RomanceInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...