Chapter 23

67 3 0
                                    



I won't ever know

What's on your mind

If you'll always be

Hiding behind

Words you never mean,

Just to be kind

Will there ever be

No more of your secret doors?

Pumalakpak ang supportive kong pinsan na si Ila kay Ria kahit hindi pa naman tapos ang kanta. Nanatiling blangko ang aking mukha dahil dinadamdam ko iyong kinakanta ni Ria. Plus the words that that man said to me a while ago.

Umiling ako sa sarili at tinapik-tapik ang pisngi para matauhan. Nandito kami ngayon sa kanila at umiinom nang kaunti. For some reason, they have a karaoke. Kaya ngayon ay napapagkatuwaan iyon habang umiinom. Kanina pa kanta nang kanta si Ria at todo support naman itong si Ila.

"Wala ka bang aaralin?" Lacy asked Ila. Kanina pa ata naririndi sa kapatid.

"I finished my readings a while ago. Kakatapos lang din ng quiz namin kanina. Let me take a break," pasiring niyang sagot at uminom ulit.

Iniabot ko kay Nessa ang galvanized steel bucket na may lamang yelo. Nagpasalamat siya bago nilagyan ang baso niya at nagsalin ulit. Natututo na rin itong uminom dahil sa 'min.

"Galing dito 'yung boyfriend mo kanina, ah? Alam mo?" tanong ulit ni Lacy.

"Huh? Sino'ng boyfriend?" umahon si Ila sa pagkakaupo at lumapit na sa karaoke. Siya naman ata ang kakanta ngayon.

"Si Kuya Joven? Nagdala pa nga ng pagkain para sa amin, e."

Inabutan ako ni Lacy ng chips pagkasagot sa kapatid. I accepted it and let go of my glass. Hindi ako masyadong umiinom ngayon dahil may audition pa bukas.

The audition earlier this day, went well. Kumuha kami ng top thirty and from there, we'll pick the final twelve. Baka bukas na rin namin bisitahin iyong apartment ng mga bata. I just hope it's from a different location.

"Ano?! Si Joven?! Hindi ko boyfriend 'yon!" umupo na ulit si Ila sa tabi ko pagkatapos ilagay ang kanta niya sa karaoke.

Inagaw niya ang mic kay Ria at ngayon ay kumakain na ng ice cream habang hinihintay ang kanta niya. Masyado itong umiiwas sa mga ganitong topic. Lagi ring galit. Especially, when Lacy mentions this guy named 'Joven'.

"Hindi mo boyfriend? Bakit sabi sa akin ni Ria, nakita niya kayong nagma-make-out sa sasakyan?"

I almost choke on my chips when Lacy talked again. Tumayo si Ila at nanlalaki ang matang tumingin sa bunsong kapatid.

"You saw us?!"

"Oo, Ate. Ang ingay mo, e," sagot ni Ria at pumunta sa kusina para ata kumuha ng tubig.

"What the hell, Ilaria." Tumayo ako at nakangiwing ibinaba ang kinakain.

Nagugulat talaga ako sa mga sinasabi ngayon ng kapatid niya. I never knew she has this side of her! Kung nalaman ko lang agad, matagal ko na sana siyang inasar!

"What? S'yempre, I need a little distraction from studying!" defensive na sagot niya at ibinaba ang ice cream dahil magpla-play na ang kanta niya.

Every fight needs mending

Every start has an end

"Seriously, Ate? Borrowed time?" tumayo na rin si Lacy at tumabi sa akin sa may bar island nila rito sa labas.

All AloneWhere stories live. Discover now