Chapter 5

127 5 0
                                    



Everyone is excited. May exclusive na apartment para sa lahat. Two in each rooms because we're twelve. Six boys and six girls. Ten lang talaga ang kasali at ang isang pair ay alternate lang.

Kami ni Irina ang magkasama sa kwarto, kinausap at pinilit ko talaga sina Henry tungkol dito. Ito lang din ata ang ginamitan ko ng connections dahil ayaw ko talagang makasama si Trinity o si Shelby sa iisang kwarto. Unfortunately, hindi nakapasa si Hazel.

Sa isang araw ang start ng practice namin. P'wede na kaming maglipat ng gamit doon sa apartment ngayon. Bukas ay pwedeng doon na kami manatili. Naisipan daw ng pamilya ni Everett na mag-provide ng ganoon dahil karamihan sa amin ay malalayo ang pinanggalingan. Kami lang ata nina Toby ang walking distance. Mas maayos din daw iyon para ma-monitor nina Henry ang attendance namin.

But of course, I'll grab that chance to move out in our apartment where my step-father lives. I'll do everything just to get away with him.

Nagyaya si Toby kumain sa labas. Nag-celebrate na raw sila kahapon ng pamilya niya kaya kami naman ang kasama niya ngayon.

"Ikaw ba Marvin, nag-celebrate na rin kahapon kasama ang pamilya?" I grinned at him.

Namula siya. "Hoy! Walang meaning 'yon!"

"Teka teka, ano'ng tinutukoy niyo mga bakla!" itinulak niya ang balikat namin ni Marvin. Siya kasi ang nasa gitna namin.

"Tanungin mo pinsan mo," pang-aasar ko at nanguna sa pagpasok doon sa food house kung saan kami madalas kumain.

Tapsilog ang in-order naming tatlo. Si Toby ang pumila sa counter para magsabi no'n. Magkaharap naman kami ni Marvin sa table.

I leaned in. "Ano? Girlfriend mo na?" I raised my brows up and down.

"Gago! Hindi pa!" sagot niya at inilayo ang mukha.

"Uy may 'pa' ibig sabihin soon!" I teased him.

Gustong gusto ko 'yong inaasar siya kasi ito ata ang unang beses na may nagustuhan siya. Or, unang beses na nakilala ko iyong nagugustuhan niya.

"Strict parents," he crossed his arms and looked away.

"Ligawan mo magulang."

Tumingin siya sa 'kin. "Pinsan siya ni Everett 'di ba?"

"Tapos?" I raised my brow.

"Close kayo 'di ba?" siya naman ngayon ang lumapit.

"Hindi!"

"'Sus, kunwari pa," he grinned. "Ilakad mo 'ko."

"Ayaw ko nga," sagot ko at umayos na ng upo nang makitang papalapit na si Toby.

Kinuha ni Marvin ang dalang tray ni Toby at agad inayos sa lamesa. Mariing tumingin sa amin si Toby at pagkatapos ay agad akong hinampas. Palibhasa ay ako ang katabi.

"Bakit ba?" inis kong tanong.

"Ano'ng nangyari kahapon? tumawag ka raw sabi ni Mama?" tanong niya at iniabot sa akin ang kutsara at tinidor ko.

Natahimik ako. "Wala."

"Tumawag ka rin sa 'kin kahapon, ah," ani Marvin at tinanggap ang utensils niya.

"Oo, nag-date nga kayo ni Irina, e," sagot ko naman.

Napanganga siya at hindi na sumagot pa. Bumaling siya sa kaniyang pinsan at hilaw na ngumiti.

"Irina?" tanong ni Toby at nagsimula nang pangaralan ang pinsan niya. Pinapangaralan niya si Marvin habang kumakain kami.

Pinilit kong mabilis kaming makauwi. Nag-volunteer si Marvin na samahan ako sa bahay para matulungan niya ako sa gamit ko. Bukas pa raw kasi siya maglilipat kaya tutulungan niya muna ako ngayon. Ang magaling naman na si Toby ay hihintayin na lang daw kami sa apartment.

All AloneWhere stories live. Discover now