"Drink this." Iniabot ko sa kaniya ang gamot at kalaunan ay ipinaubaya na sa kaniya ang baso ng tubig.I inhaled a deep breath and sat on the chair across her. Hindi pa ako nakakaupo nang maayos ay lumapit na ulit ako sa kaniya para makuha ang baso at ang lalagyanan ng gamot nang makitang tapos na siya.
"Okay ka lang ba talaga? I told you not to stay up late..." pilit kong iniiba ang boses ko pero halata pa rin ang pag-aalala kaysa sa galit.
"Excited kasi ako. I couldn't stop listening to the song," dahilan niya at umisod nang kaunti para maabot ang isang throw pillow. I sighed and reached for it. Iniayos ko iyon sa likod niya para maayos siyang makasandal.
Inaayos ko pa ang gamit niya nang bumukas ang pinto at pinuno ng mga pinsan niya ang kuwarto.
"Hi, Everett! Nakita ko ang mga pinsan mo sa labas," si Ilaria. Pinakahuling pumasok at ngiting-ngiti sa akin. I smiled back and gathered my things from the couch to offer them my seat. Lalo na sa kaniya dahil mukhang mabigat na ang tiyan niya.
Iminuwestra ko kay Siennese ang pinto sa likod ko upang magsilbing paalam sa pag-alis ko. May sinasabing kung ano si Ilaria at inaalok naman ni Nesrin kay Siennese ang dala niyang pagkain kahit sa akin naman nakatingin ang kanilang kausap. Siennese only nodded to me with a bright smile on her face. I smiled, too, and let them have their peace.
Paglabas ko pa lang, sumalubong na agad sa akin si Eloise. My other girl cousins stood up, too, and I wonder why. Pansin ko ang kagustuhan nilang pumasok sa silid kung nasaan si Siennese ngumit lahat ay nahihiya dahil naroon pa ang mga pinsan ng girlfriend ko.
Girlfriend.
Ko.
Saying it is nice... and heartfelt.
"Did she go to the comfort room?" tanong ng aking kapatid.
Nagtataka man sa tanong niya ay umiling ako. Bumagsak ang balikat niya at malamyang naglakad pabalik doon sa tabi ni Eliandra. The rest of the girls heard what we talked about and stopped gawking at me.
Tumabi ako kay Eliezer. Nakahilig sa kabilang gilid niya ang tulog na si Ethan. He sighed and chuckled when he looked at me.
"This takes me back," tawa niya.
Napaangat ako mula sa pagkakasandal at napatingin sa kaniya. Because of what he said, I suddenly remember my experiences before. Ngumiti ako at sumandal muli.
Nagising si Eloise dahil sa ginawa kong pagsandal. Umayos siya ng upo at inis na kinalikot ang kaniyang cellphone, iritado dahil nagising ko siya. I sighed and looked at my other sister on my right. Humahaba ang leeg niya sa tuwing may lalabas at papasok sa silid noong iniidolo niyang ballerina.
Ilang beses pa ulit nangyari iyon kaya hindi ko na napigilang magsalita, "Emy, relax. It'll be your turn soon."
"Kuya, apat lang 'yung pinayagan magpapirma bago sila mag-perform. I'm the fourth and last one. The four of us maybe her die-hard fans, but the first two looked disappointed after seeing her..."
Napaayos ako ng upo. Hindi makapaniwala na tinawag talaga ng kapatid ang sarili na die-hard fan. I cleared my throat and nudged Eloise on my left, but she just sneered. Bukod sa inis niya dahil nagising, masama rin ang loob niya dahil hindi siya pinayagan ng aming mga magulang na um-attend sa concert ng bandang gusto niya. Pero kaming dalawa ang pinasama kay Emryn nang magpe-perform na ang idolo niya. Lola couldn't accompany her because of some business and I couldn't refuse.

YOU ARE READING
All Alone
RomanceInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...