Chapter 29

41 2 0
                                    



"That's it? Hindi ka na umuwi?" parang gulat na gulat si Toby nang maikuwento ko na ang nangyari.

I've been keeping it for days now and I can't stop overthinking about it unless I say it to someone else. Siyempre, ang sinabi ko lang iyong tungkol sa nabanggit ni Marvin, hindi iyong tungkol sa kung ano mang nanyari sa akin.

Inirapan ko si Toby. "Huwag kang OA. Hindi lang ako pumupunta sa condo niya, pero umuuwi ako sa akin."

I harshly bit my lower lip to stop me from talking more. Natutulog pa ang mga bata at alam kong pagod silang lahat. Maaga kaming pumunta rito sa apartment nila dahil maaga rin ang pasok ni Lio or Helios, the boy who is working. Hindi siya pumapasok tuwing friday at alam kong hindi sila kumakain sa umaga. May mga pagkain naman kaming binibigay, pero malamang sa malamang ay hindi na sila nag-aabala pa na magluto.

Nagkakasundo naman sila ni Marvin at laging magkausap. I'm glad. Para naman may makausap siya at mapaglabasan ng mga problema. I really like his name, Helios, the sun. Si Dana naman, the girl who is also having a hard time attending our practice, ay walang pasok ngayon. Naturuan ko na rin naman siya ng mga na-miss niyang steps kahapon kaya wala na siyang problema. This day should serve as their rest day.

"Dito na tayo sa baba maglatag, may puno naman," suhestiyon ko kay Toby at itinuro iyong front yard doon. May bermuda grass sa buong harap at may malaking puno ng mangga roon sa gilid.

"What's up, pretty ladies!"

Umirap ako kay Marvin at ibinigay sa kaniya ang malaking basket na may lamang almusal. Ngumiti ako roon kay Annie, our assistant. Pinakiusapan ko siya na samahan muna kaming maghatid ng pagkain dito bago siya tuluyang mag beauty rest. Pumayag naman siya at ngayon ay may dalang panglatag.

"Malaki ba 'yan?" tanong ko kay Annie, ang tinutukoy ay iyong dala niyang tela.

"Opo," sagot niya at pinakita na iyon sa akin.

Tumango ako at kinuha ang kabilang dulo para mailatag na. It was actually fun. Nilagyan naman ng apat na malalaking bato ang bawat sulok para hindi madala ng hangin. Matapos maayos iyon ay sinimulan na naming ayusin ang mga pagkain.

I couldn't help but smile when I smelled the food. Ako ang nagluto ng mga 'yan, pagmamalaki ko sa isip. Hinila ko lang talaga si Toby kaninang umaga at t-in-ext si Marvin na pumunta rin. Kahapon ko pa nakausap si Annie dahil nakakahiya naman kung bibiglain.

"Wow, buti na lang 'di pa ako nag-aalmusal!" Marvin laughed and get himself a hotdog. Inismiran ko siya dahil kinamay niya na iyong hotdog. Baboy talaga.

"Dito na lang 'yan," si Toby. Nakita ata akong nag-iisip kung saan ilalagay ang juice, tubig, gatas, at titimplahin na kape.

Tumango ako at ibinigay sa kaniya iyon. Nagpaalam na sa akin si Annie at nagpasalamat naman ako nang husto dahil sa tulong niya. When everything was settled and Marvin was already eating, umakyat na si Toby para katukin ang girls. Ako naman ay sa baba para sa boys.

"Hello, boys! Gising na!"

Sunod-sunod kong kinatok ang mga 'yon. Unang nagbukas ay iyong nasa gitna. Hindi na ako nagulat nang makitang sina Lio ang nando'n. Bihis na siya at handa nang umalis.

"Kain muna, Helios. Naipagpaalam na kita sa boss mo," saad ko at itinuro ang hain doon sa harap. I walked passed by him and peeked at the door. "Nag-inom kayo ni Robin?" I asked and took a step closer.

Pumasok na ako nang tuluyan. Binuksan ko ang mga kurtina para naman masinagan ng araw ang apartment nila. Naiinis ako habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan noon. May mga plato at basong hindi pa nahuhugasan, nagkalat ang mga damit, at napaka-gulo ng mga gamit.

All AloneWhere stories live. Discover now