Chapter 22

72 2 0
                                    



"Please, fall in line!" anunsyo ni Marvin.

Yes, si Marvin. I asked him to come here and help his friends during the auditions. Tutal siya naman ang namilit sa akin simula umpisa. Kahit ano pang gawin niyang pangloloko sa akin na focus siya sa ibang sayaw ngayon, alam ko namang wala siyang pinagkakaabalahan.

"'Yan ba ang magiging coach natin? Ang sexy!" I heard someone say.

Ngumiti ako roon sa mga batang lalaki. Mabilis lang din iyong napawi nang makita kong tumatawa na si Marvin. I abruptly reprimanded the boys to fall in line and glared at him.

Inirapan ko siya nang ilang minuto na ang nakakalipas ay natatawa pa rin at nasa akin pa rin ang tingin. I put my hands on akimbo and scanned the people.

Astoundingly, karamihan ng estudyante na mag-a-audition ay naka-white. I didn't know how he managed to announce my intructions and all of that, but he did great. Makes me wonder if his family really likes ballet that much or it was just his idea.

Ibinaba ni Toby ang kamay niyang nagtuturo ng mga tamang direksyon sa mga estudyante kung saan pipila. I smiled at him a little and he smiled to me as well. We had a talk and it ended amicably. We decided that I'll do the choreography for the first competition then he'll assist me. He'll do the second one and I'll assist him then vice versa until the contract ends.

"Good morning, everyone!" bati ni Harvey nang makapasok na.

Hindi lang ang mga estudyante ang napaayos bigla ng tayo, pati kami nina Marvin. Siyempre, sa lahat ng pinaghirapan at pinagdaanan nina Harvey, kilala na ang kambal sa industriya. Lalo na at nanalo noon ang elite class sa isang malaking paligsahan kahit wala na kami.

Inayos ko ang buhok kong hindi naman magulo. Henry was looking at me, but I averted my gaze. It was supposed to be just the three of us. Me, Toby, then Marvin. Pero ayaw pumayag ng kambal na ito. Tutulungan na raw kami sa pagpili at lahat.

"Is that Yara?" naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan ang batang nasa labas.

"I... think so," sagot ni Marvin na nasa tabi ko. Naniningkit din ang mga mata at humahaba ang leeg para tingnan kung may kasama bang iba iyong bata.

I scoffed at him before pointing the students. A sign that he should discipline the students instead of gawking outside, waiting for his lost love to come.

Nagmartsa ako palabas para tingnan kung ang nakikita ko nga ngayon ay si Yara. I prepared a wide smile, but it slowly faded upon seeing his guardian of the day.

"Oh, my gosh! Yara!" I exclaimed when I confirmed that it was her, wala nang pakialam sa kasama noong bata.

"Ate Sienna!"

I pulled her into a hug. Bumusangot nga lang ang mukha ko nang makitang nakangiti ang lalaking nasa likod niya.

"You're gonna watch the audition?" tanong ko na lang kay Yara at hinaplos ang kamay niya para dahan-dahang maigiya papasok sa loob.

"Yes, Ate! Busy sina Mommy pero siniguro naman po ni Tito Eve na makakasama ako ngayon! How's the audition..."

Nalunod na ng mga iniisip ko ang boses ni Yara. Everett was just smiling at me like a fool. The bastard even eyed me from head to toe! Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya bago tuluyang inagaw ang bata sa kaniya.

Hinawi ko ang invisible hair ko sa inis. My hair was already tied up on a bun. Like what I used to do when I do ballet. I also picked up my favorite and new white leotard. Kahit ang pointe shoes ko ay bago rin. I prepared too much because after five years, I'm here again. Trying to prove something to other people, but especially to myself. 

All AloneWhere stories live. Discover now