note: i don't recommend this story hahahaha you can proceed to the next one. pero kung gusto niyo talaga ituloy, puwede rin naman.❁
"Nabasa mo na ba 'yong letter?" I rolled my eyes when I heard my best friend's voice. Again.
Itinigil ko ang stretching na ginagawa at tumayo upang harapin ang kaibigan. He's been bugging me for weeks now. Just because of that damn letter.
I walked towards the table and reached for my water bottle.
"Why are you so eager to grant his whatever stupid request?" I squinted my eyes at him before drinking.
"Sienna," he called and then sighed. "Just read the letter first."
Ibinaba ko ang tumbler at humalukipkip.
Marvin shifted his weight and put his palms together, pleading.
"Please?"
Inis kong nilapitan ang bag ko sa gilid at hinanap ang letter. Naningkit ang mga mata ko sa unang sentence pa lang.
"What?! Elite Class na naman?" Halos mapunit ko ang papel na hawak. "Siya na naman ang mag-s-sponsor?!"
Naihilamos ni Marvin ang kaniyang palad sa mukha bago tumingin ulit sa akin.
"Kagaya rati? Noong tayo pa ang mga dancers, ang kaibahan lang ay ikaw na ang magtuturo ngayon," he hopelessly said.
"Come on, Sienna." Lumapit siya sa akin at niyugyog ang balikat ko. "It's been what? Five years? Hindi ka pa rin ba babalik sa pagba-ballet?"
"Kaya nga, Marvin! Five years na tapos guguluhin niya na ulit ako ngayon?!"
I stopped ballet five years ago. There's something in it that pains me. It brings a lot of memories. Memories that are better buried.
Pagkatapos ay sasayaw ulit ako para lang sa kanila?!
"Hindi ka naman sasayaw, magtuturo ka lang," Marvin smiled like an idiot.
"Tanga ka ba? Kapag nagturo ako, magsasayaw na rin ako no'n!" I hysterically said.
"At least hindi lagi?" parang tangang sabi niya. "Baby steps? Until you feel like dancing again?"
"Paano kapag nasa ballet 'yung bagay na matagal mo nang hinahanap?" I heard Toby.
Natigilan kami pareho nang dumating si Toby. Our best friend, too.
"P'wede mong isama si Toby, tutulungan ka niya sa choreography," ani Marvin.
Napapitlag ako at inis na bumaling kay Toby. "Alam mo 'to?"
"Yes. It's a good offer. Penilla Ballet School naman ang tuturuan natin kaya okay lang," parang wala lang niyang sabi at umupo sa couch na malapit sa kaniya.
Napanganga ako at tiningnan ulit ang sulat. It is indeed Penilla Ballet School. It used to be only Penilla Dance School, pero dahil lumago ang school na itinayo ng mga coach namin, ibinukod nila ang ballet upang mas mapagtuunan ng pansin.
I didn't stop dancing. I studied almost all types of dance. Para lang maibaling ko sa iba ang pagkasabik ko sa ballet. Pero ako mismo sa sarili ko, 'di maamin na mahal pa rin ang ballet. Nasasaktan lang ako dahil sa mga nangyari noon pero mahal ko pa rin.
I'm teaching some class in PDS, but I never went to the other branch. The ballet school. Kahit bisita ay hindi ko magawa.
"Damn him!" inis kong sabi at ibinato sa kung saan ang sulat.

YOU ARE READING
All Alone
RomansaInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...