Chapter 31

43 2 0
                                    



"Tara!"

Hinila ko na ang braso ni Eve para magmadali na siya. We're both dressed up today because we're finally going to the jail. To visit someone... of course.

Alam kong hindi naman dapat kaaliwan iyon. The people we're going to visit today made a huge mistake that affected my whole life. To the point that my mind was so clouded that I gave up my dream.

Pero hindi ako tuluyang makakausad kung hindi ko haharapin 'to. I want to see that bastard not to forgive him, but to free myself.

My mother saw something in him when my father died. Hanggang ngayon, hindi ko makita o malaman kung ano 'yon. Kung naging mabuting tao nga siya noon, mas lamang ang kagaguhan na ginawa niya sa buhay ng ibang tao at lalo na sa akin.

"Don't rush it too much," paalala ni Eve sa akin habang nasa byahe. Napansin siguro ang excitement ko.

Tumango ako sa kaniya at binuhay ang stereo ng sasakyan para magkaroon ng ingay. Just enough to occupy me than my other thoughts.

Pagkarating doon, tinanggal ko kaagad ang seatbelts ko at nanguna sa pagbaba. Umikot ako sa kabilang side para salubungin si Eve. He sighed before turning off the engine. I clung my arms on his as we go inside.

Siya na ang nakipag-usap sa mga naroon. Tingin ako nang tingin sa paligid. I've been to some precincts and community jails, but never visited this huge jail. Ibig bang sabihin kapag dinala na rito, malaki na ang kasalanan? O iyong iba, walang kapangyarihan na mapatunayan ang katotohanan?

"Siennese," tawag ni Eve nang magtagal ang tingin ko sa mga tao roon.

Inalis ko ang tingin ko sa mga iyon at sumama na kay Eve. The police officer guided us to a small room. Huli ko na napagtanto na iyon pala ay katabi ng isa pang mas malaking kwarto. Iba ang daanan at may malaking pader na nagbubukod. In that wall is a one-way mirror. Kita namin kung sino ang naroon, pero hindi kami kita noong nasa loob. Wala pang tao kaya wala pa rin kaming tinitingnan.

"Kung bigla mong maisip na ayaw mo nang ituloy, kurutin mo lang ako," ani Eve.

May kasama kaming isang police sa loob. Para na rin makasiguro. Inside the room that we are facing is a metal table with two chairs on each side. Nanlamig ako nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang apat na pulis kasama si... Castor.

Nakaposas ang mga kamay sa likuran at ipinosas pa ang isang kamay sa matibay na lamesang iyon. The last time I saw him was in New York. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap noon at kung paano siya nakapunta roon, pero siguro ay tulong na rin noong sindikato na tinutukoy ni Eve.

He looks older and more disgusting. He is still a fucking rapist. A drug addict. A molester. Nakangisi siyang tumingin sa gawi namin. His old and dark skin stretched and it made him look more disgusting. Humigpit ang hawak sa akin ni Eve at tiningnan ako nang mariin. I tightened my hold on him to gain strength as he rub my back to calm me down.

I didn't come here to forgive that bastard. I just want to come here to free myself. Gusto kong makita ang mukha niyang naghihirap at nagdudusa sa mga kasalanang ginawa niya. Gusto kong makita, ng dalawa ko mismong mga mata, na naghihirap siya sa paninira ng buhay ko.

"I wish you a lifetime of despair as a payment of all the time, dreams, and lives that you took. May you rot in jail," saad ko bago lumabas doon. Wala nang pakialam kung narinig niya ba iyon o hindi. Ang mahalaga ay nakaya ko siyang harapin.

Nang makalabas ng kulungan, binitiwan ko ang kamay ni Everett at ibinuga ko ang hanging kanina ko pa pinipigilan. I sadly smiled to myself before looking back to him. He looked torn. About what to do and what to say. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya.

All AloneWhere stories live. Discover now