Chapter 13

108 3 0
                                    



If my hunch is right, I need to do something. Ibinenta na naman ako ni Castor! At ngayon, sa kapatid pa ni Trinity! The hell!

I'm not for sale. I can't be bought!

Ganoon ba talaga? Kapag gusto ka, kahit masaktan ka pa makuha ka lamang?

Isinantabi ko ang mga iniisip. I need to think. Hindi ako p'wedeng magpadalos-dalos. Hindi pa naman alam ni Castor na alam ko na. I don't know why he hasn't tell me anything yet.

Kaya habang maaga pa, uunahan ko na.

Hagikhikan at tawanan ang mga naririnig ko habang papalapit ako sa may pool area. I just watched them from afar because my clothes might get wet.

Luminga ako sa paligid at napangiti sa sarili. Most of the girls here are wearing a pink uniform. May ibang kulay naman at iba rin ang disenyo.

From what I heard, CEU is a school for med students. Siguro nga. Halos lahat kasi rito, mukhang seryoso sa pag-aaral. Mahal siguro ang binabayad nila rito, their school is huge and has a lot of buildings!

I looked at the pool side again when I heard them teasing someone. I smiled to myself while staring at him. Magulo ang mga buhok at nakaayos pangligo. Nang makalapit sa pool ay mabilis siyang tumalon doon.

"Si Santiago, 'di na naman naligo bago pumasok!" asar noong isang nasa pool na rin.

"Gago! Naligo ako!"

Tinawanan siya ng kaniyang mga kaklase. Even their professor is laughing with them. Iniisip ko tuloy kung paano kaya kung ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Ganito rin kaya ako kasaya?

Perhaps I'll be happy. But I'm sure it can't surpass how happy I am when I'm dancing.

Ilang minuto ko pa sila pinanood. After a while, their professor said it's done and they can now all take a bath. Nagdalawang isip pa ako kung lalapit na ba kaagad o hindi.

But before I could even take a step closer to him, a vivacious and tall woman approached him. Holding a towel and even offered her hand for him to hold.

Tinukso sila ng lahat. Kahit maayos at hindi naman nagpapakita masyado ng balat ang swimwear na suot noong babae, halatang halata ang laki ng kaniyang hinaharap at ang hantad niyang pang-upo.

Everett declined her hand. Umahon siya nang kaniya lang at ngumiti lang doon sa babae. The girl put the towel she's holding to Eve's shoulders.

Nag-aalisan na ang iba nilang mga kaklase. When they are finally alone, Eve turned to her. Nag-usap sila saglit bago galit na naglakad palayo iyong babae. Tinanaw siya ni Eve habang pinupunasan ang buhok. Siya ba iyong babaeng kasama ni Eve maggawa ng project noong isang gabi?

I glanced at my simple oversized shirt and faded pants. Huminga ako nang malalim bago naglakad papalapit sa kaniya.

"Eve," I called that made him turn.

Nanlalaki ang mga mata niya nang tumingin sa akin. Nang makabawi ay naging galit ang kaniyang ekspresiyon.

"You didn't answer my calls and texts," galit niyang saad.

Lumakad siya papalapit sa akin, hindi nakukuntento sa lapit namin. I took a step backwards. Hindi kasi ako masyadong lumapit sa kaniya dahil basa siya.

"I-I was busy," nauutal kong sagot.

He raised his brows at me before gently pulling my arm.

"For two days? Hmm?" He moved his face closer to me, hawak pa rin ang braso ko.

"I was about to call you pero naisip kong supresahin ka," bawi ko.

He was taken aback. Sa huli ay lumitaw ang ngising pilit na itinatago. Lumilipat na sa braso ko ang kaunting tubig galing sa kamay niya. He noticed it. Tuluyan niya na akong hinila papalapit at kinuha ang tuwalya na nagpapahinga sa kaniyang balikat.

All AloneWhere stories live. Discover now