When I went back to the room, the twins are already announcing the thirty that passed. I walked towards Marvin and didn't even bother to look at Everett's family at the corner.
"Ilan na ang natatawag?" tanong ko paglapit.
"Ten pa lang."
Natawa ako nang makita si Toby na naroon sa pinaka-una. I saw Trinity and Shelby at the front, clapping their hands like an idiot while looking at me.
"Seventy-eight," nagpalakpakan kami nang tawagin si Marvin. Natawa siya at tinapik ako bago lumapit sa unahan. Ilang numbers pa ang binaggit pero hindi pa rin ako natatawag.
If I don't get in, it's okay. It wasn't really part of my plan and I just gave it a shot.
"One hundred twenty," ani Harvey at hinanap ako.
I laughed and walked towards them. Oh well. Buti at hindi ko agad itinuloy ang pity party.
Ang bida-bidang si Toby ay naglakad papalapit sa akin at niyakap ako. Walang pakialam sa mga nilagpasan at sa mga nakatingin sa kaniya. Napatingin ako kay Everett. He's staring at me. I diverted my gaze and looked at Marvin instead, lalapit na rin sana siya pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
"You all did great today. You are all amazing and talented angels. We hope that this result won't stop you all from dreaming and believing. These are the thirty that passed the first round. Thank you everyone," ani Henry.
Nagyakapan ang mga naroon. Kahit hindi pa lubos na magkakakilala, naging malapit ang mga loob ng iba sa iba ring kagayang mananayaw. Lumapit sa aming dalawa ni Toby si Marvin at niyakap kami.
Between their hugs, I saw Everett walking towards me. But, someone blocked my vision. Napakalas ako ng yakap kina Toby at umayos.
"Hi!" bati noong lalaking nakasiko sa akin kanina.
"Beh, sino siya?" bulong sa akin ni Toby. Inignora ko muna siya at itinuon ang pansin doon sa lalaki.
"Hello, I guess," sambit ko.
"Congrats! I guess we'll see each other more often now?" ngumiti siya. Nakapasa rin pala siya.
"Uh, sorry. Who are you again?" tanong ko.
"Oh right! I'm Daven," naglahad siya ng kamay.
Pero ang kumamay doon ay si Toby. "I'm Toby," pagpapakilala niya. Nang bumitaw si Toby ay bumaling naman si Daven kay Marvin.
"Marvin," ngumiti lang siya.
Napapitlag ako nang may humawak sa kamay ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita si Everett doon. Hawak ang kamay ko ay may isinipit siyang tatlong tangkay ng bulaklak doon. Bumaba siya nang kaunti para maitapat niya ang kaniyang bibig sa aking tainga.
"Congratulations. You did great," napapaos niyang bulong. I felt my body convulsed because of that simple whisper. Pagkabitiw niya sa akin ay sinalubong niya iyong pinakabatang katabi nila kanina.
"Siennese ang pangalan niya, pero just call her Sienna," rinig kong sabi ni Toby.
I looked at the three pieces of ranunculus in my hand. Pati paborito kong bulaklak, alam din ng kapatid niya?
Napangiti ako at naalala lang na may kausap nga pala sa harap nang sikuhin ako ni Toby.
"I'm Sienna," ngumiti ako.
"Nice to meet you, Sienna," ani Daven bago nagpaalam si Marvin na aalis na kami.
Umakyat kami sa fourth floor. Nag-hagdan na lang kami dahil maraming naghihintay sa elevator. Isang floor lang din naman kasi ang aakyatin.
YOU ARE READING
All Alone
RomanceInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...
