Paano niya naman kaya nalaman kung nasaan ako?Hinawakan niya ang panga ko at pinisil. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin pero masyadong mahigpit 'yon.
"M-Mike."
"Tinakasan mo kong hayop ka."
Kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mata. Ibinenta ako ni Castor sa mga kakilala niya sa halagang sampung libo noong nagipit siya. Tangina. Buhay ko para sa sampung libo?
Kapag tumatakas ako at umuuwi sa bahay, humahanap na siya ng panibagong pagbebentahan sa akin. Lahat tinatakasan ko. Hindi para matulungan ko siya, tumatakas ako dahil hindi ako pumapayag na babuyin ako.
Matatawag ko bang swerte ang sarili ko dahil lahat ng lalaking pinagbebentahan ni Castor ay walang pera para habulin ako? Ito pa lang si Mike ang hindi ata natahimik at hinanap ako.
Walang ginawa ang nanay ko para pigilang mangyari 'yon. Nandoon lang siya, nakatingin sa akin.
Kung hindi niya ako kayang tulungan, sino pa ba'ng tutulong sa sarili ko? Ako lang.
Dinala ako ni Mike sa probinsya nila. Papakasalan niya raw ako. I got beaten up by him because I didn't want to sleep with him. Mabait pa iyong kapatid niyang si Mika dahil ipinagtatanggol ako.
Ilang araw bago niya ako pakasalan, tumakas ako. Tinulungan ako ng kapatid niya. Mula sa sakayan pauwi at pati na rin sa pera. Alam niya raw na mali kaya tinulungan niya ako. Mayaman sila, maayos ang pamilya. Bakit ako ang hinahabol niya?
Hindi ko alam kung bakit ba siya nagsasayang ng pera sa katulad ko? Last year pa 'yon, hindi pa rin siya nakakahanap ng iba?
Dito ako namalagi noon. Hindi na ako umuwi sa bahay para hindi na ako ibenta pa. Kumikita ako dahil sa pagsasayaw. Pero dahil nga hayop si Castor, sinundan ako rito. Hindi niya ako agad ibinigay kay Mike para siguro ibenta na naman sa iba.
This is not the life I want. This is not the kind of life my father would give me.
I'm not going to be a slave for men. I won't act gracefully even if I'm a ballerina. Even if we're known as the softies. I won't stay still and let everyone ruin me, use me, or abuse me. I am more than that. Women are more than that.
Hindi ako pinalaki ng tatay ko para api-apihin. Pinalaki akong matapang at marunong lumaban. Putangina. Paano ko kaya lalabanan 'tong mga 'to ngayon?
Bigla niya akong binitawan. Muntik na akong madapa dahil doon.
Ang mga taong dumaraan ay nagtataka na sa amin. Pero walang naglalakas loob na makisali. Wala pa ring lumalabas galing sa school. Anong oras lang ba? Ala una?
"Paano mo 'ko nahanap?" lumayo ako sa kaniya.
Naramdaman kong may umakbay sa akin, napapitlag ako sa gulat at pandidiri nang makita kung sino iyon.
"Bitiwan mo ko," mariing sabi ko at idiniin ko ang kuko sa braso niyang nakaakbay sa akin.
Ngumisi si Mike nang makita ang reaksyon ko at tumingin sa lalaking umakbay sa akin.
"Salamat," aniya kay Castor bago lumapit sa akin. "Tara na, iuuwi na kita."
Hinila niya ang braso ko pero pinigilan iyon ni Castor. Inilahad niya ang kaniyang palad kay Mike.
"Ang bayad?"
"Tangina mo, Castor! Nabigyan na kita ng pera noon ah," sinamaan nang tingin ni Mike si Castor.
"Ano'ng ginagawa niyo sa kaniya?"
Lumingon si Castor sa pinanggalingan ng boses na 'yon, at dahil nga nakaakbay siya sa 'kin sumunod din ang katawan ko.
YOU ARE READING
All Alone
RomanceInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...