Epilogue

29 2 0
                                    



Hindi ko na napigilang hindi mapatayo nang mapaupong muli sa mat si Evette. We are both in the library while Siennese is out. Kanina ko pa paulit-ulit na binabasa ang isang pahina sa librong binabasa ko ngunit hindi ko pa rin maintindihan dahil mas pokus ako sa kaniya.

"Evette!"

I rushed towards her to check if she's hurt. Ang maliit niyang palda na may kung anong pampa-garbo ay nagusot na dahil sa kanina pang paupo-upo kapag sinusubukang tumayo nang iisa lamang na paa ang gamit. She clasped both of her hands together while smiling before stretching her hands to me.

"Nasaktan ka ba?"

Umiling siya at ngumiti lang sa akin nang maalalayan ko na siya sa pagtayo. I sat on the mat scattered on the floor. My white t-shirt and jeans feels so out of place in these light pink and fuchsia pink mats.

"Daddy, I can now stand with only my right foot for two seconds!" maligayang anunsyo niya at itinaas pa ang sinasabing paa para makita ko nang mabuti. Tila ba hindi pa sapat na nasa harap niya na ako para makita ko iyon.

Nakangiti akong napabuntonghininga at hinaplos ang buhok niya. I sighed again and softly pinched her red and cute cheeks.

"Watch, Daddy! I'll show it to you!"

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kaniyang buhok at pisngi para maipakita sa akin ang kanina niya pang ineensayo.

She inhaled a deep breath as she elevate her left leg and put her weight to the other. Saka lamang niya pinakawalan ang inipong hangin nang nakatayo na. When she is slowly balancing herself, she smiled at me. Napangiti ako at naiiyak na tinitigan ang aking anak. That damn smile... I'm sure she got it from her mother. Hindi masyadong palangiti si Siennese ngunit ganiyang-ganiyan ang itsura niya kapag ngumingiti siya paminsan-minsan.

"Ang galing naman!" papuri ko nang gumawa siya ng pose pagkatapos gawin iyon.

Ngumiti ulit siya at kusa nang lumapit sa akin bago ko pa siya kunin para mayakap. Her cute apple cut hair is now growing and who would ignore her perfect cut full bangs? Bukod sa magaganda niyang mata na halos hindi na makakita 'pag ngumingiti, itong bangs niya ata ang isa ko pang mahal na mahal.

Siennese doesn't want to grow Evette's hair while she's still young. Saka na raw kapag malaki na. Now our baby is five years old and she can now somehow think for herself about the little things, we asked her about her hair. Mas gusto niya raw na maikli. At hindi na kay Siennese ang ideya na magkaroon ng bangs ang anak namin. Kay Evette na mismo nanggaling na gusto niyang may ganoon.

I can't believe she's already five. Five. Five years of age. Can you believe it?

Kasi ako, hindi pa rin ako makapaniwala. Parang hindi pa limang taon ang nakakalipas simula nang magbuntis si Siennese at manganak. Para bang hindi pa ganoon katagal.

"Daddy, what's the term for it nga po ulit?" kalaunan ay tanong niya.

Niyakap ko siya lalo ngunit sinisigurong hindi mahigpit bago nagtaas ng tingin at saglit na nag-isip.

"Hmm... Relevé ata, baby? Hindi ako sigurado..."

Nagtaas siya ng tingin sa akin at pisngi ko naman ang nilaro.

All AloneWhere stories live. Discover now