Siennese Laurentine Esperanza"Uh, s-saglit lang talaga 'to. Alam kong busy ka a-at medyo biglaan din ang pakiusap ko na magkausap tayo..."
Ngumiti ako sa waiter at nagpasalamat nang mai-serve na ang in-order kong iced tea para sa aming dalawa. Everett went to the school with my gifts, while me and Trinity went to a small restaurant near the school.
I inhaled a deep breath and slowly smiled at her, too. Puno ng takot at pangamba ang mga mata niya. The reason why I made myself look kinder than usual. Para hindi siya matakot kung paano ko siya pakikitunguhan ngayong nag-uusap kami o matakot sa magiging reaksyon ko sa mga sasabihin niya.
Hindi niya naitago ang gulat nang makita akong nakangiti. Slowly, she burst into tears. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad at hindi na makatingin sa akin.
"S-Sienna, I'm sorry!"
I bit the insides of my cheek, I couldn't think of something to respond to her.
Inilapit ko sa kaniya ang lalagyanan ng tissue at pati na rin ang kaniyang iced tea. I let her cry and cry until she calms down and I can now finally talk.
"It wasn't really your fault..." panimula ko. "Alam kong hindi mo naman kayang kontrolin ang isip at kilos ng kapatid mo. At kagaya ko... natakot ka rin noon."
Kumuha siya ng tissue habang ang isang kamay ay tinatakpan pa rin ang mukha. Nanginginig ang kaniyang mga balikat at unti-unting kinakalma ang sarili.
"After all, we were young," I added.
Marahan siyang tumango. Inalis niya ang pagkakatakip sa mukha at ginamit na ang mismong palad sa pagpawi ng mga luha.
"D-Don't worry, nakakulong na si K-Kuya at aalis na rin ako para makapag-aral sa ibang bansa. We'll probably never see each other again, but before I leave, I want to apologize," huminga siya nang malalim.
"Tama ka at... natakot nga rin ako noon. Natakot ako na ganoon na pala ang kapatid ko. Natakot ako na baka kapag ako mismo ang nagsumbong sa kaniya, magalit sa akin ang magulang ko at iwan ako. Y-You know..." tumigil siya nang magsimula na namang tumulo ang luha niya.
I genuinely pushed the iced tea near her and she whispered a 'thank you' before sipping on it. Lumingon ako sa waiter at magalang na humingi ng tubig. Trinity swallowed a lump on her throat before speaking again.
"You know how I love ballet. Unlike you, I wasn't really gifted. I don't have an inborn talent. N-Nakita lang kita noon sa school at nainggit ako kung paano ka nagiging malaya kapag nagsasayaw. So... ballet was just my choice. Desisyon ko lang iyon na magsayaw."
"I had to start from the very start of the start. Kinailangan kong mag-practice araw-araw para mapantayan iyong galing mo. It took me a year to learn the basics that you just learned for a day..."
"We have our own pace, Trinity," hindi ko napigilang hindi magkumento roon, hindi para salungatin siya ngunit para ipaalam sa kaniya ang positibong bahagi ng lahat ng ito. "Alam ko naman na ang pagsasayaw na iniibig mo ay kagaya ng akin. Hindi pagalingan, hindi kumpetisyon, hindi iyong laban. Ang ballet na gusto natin pareho ay iyong malayang sumasayaw, sinusunod lamang ay ang pusong matagal nang gustong kumawala."

YOU ARE READING
All Alone
RomantizmInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...