listen to: wait - over october❩ ❨
The three days straight was very exhilarating. Sari-saring water activities ang ginawa namin. Yesterday, the third day, I joined them on playing volleyball. Sa team ako nina Eliandra. Very exhausting, but fun at the same time.
Nang hapon ay nag-snorkel kami. May mga inflatable rin doon sa gitna ng dagat na puwedeng paglaruan. May slides, mayroong part na puwede kang mahulog, may parteng walang kapitan, at mayroon ding malaking water bed na sinakyan naman ni Eliezer.
And of course, because this family likes thrill very much, nagpaunahan kami kung sino ang unang makakarating doon. Pagod na pagod at ngalay na ngalay ako kalagitnaan pa lang. Malayo kasi talaga iyon sa tabing dagat. Malaki kasi ang espasyong kinakain noon kaya roon inilagay.
Nang tumigil ako para huminga saglit, nagulantang ako nang makitang tuloy-tuloy sina Earl. Ang parusa kasi sa mahuhuli ay siyang magbabayad mamaya ng iinumin namin mamaya. Kaya ko namang i-shoulder iyon kung sakali kaya hindi na ako masyadong nakipag-unahan. Kaya rin naman nila iyong bayaran 'pag nagkataon. Mahilig lang talaga sila sa mga ganitong pakulo kaya ibinibigay ang lahat.
In the end, it was Riva who lost. Sumakay siya sa bangka papunta dahil kikisigin daw siya kalagitnaan. Sumimangot sa kaniya si Elide bago binato ng bola. Isa pa palang bagay na pinaka kinatutuwaan nila, mga bola. Hinati kami sa dalawang team noong maglalaro na. May isang bola roon na ayon kay Elide, dapat maagaw ng kabilang team sa amin. Ipagpapasa-pasahan ang bola para hindi maagaw ng kalaban at ang mauunang makapag-shoot noon sa malaking ring sa taas ng inflatable ay siyang panalo. Iyong larong iyon ang pinakaumubos sa lakas ko.
Kaya nang makabalik kami sa kani-kaniyang rooms, hindi pa nakakapagpalit ay mga tulog na. Tuloy ay nagpadala na lang kami ng dinner sa taas. Hindi na natuloy ang inuman na plano. Iniba na lang tuloy nila ang parusa kay Riva. Siya na lang daw ang magbabayad ng mga souvenir na bibilhin naming lahat.
Ako, si Eliandra, at Elle lang ata ang mga naligo muna nang gabing iyon bago umidlip. Nang makaligo ako ay saka ko lang napansin ang laking kaibahan ng balat ko sa ibang parte na natatakpan. I like it very much!
Kaya ngayong last day na namin, mga pagod na kami. Kakatapos lang mg-agahan at plano na mag-iikot-ikot maya-maya para makabili ng mga pasalubong.
"Sa tuwi-tuwina nating pagpunta rito, iba-iba ang pinapasalubungan ko," biro ni Eliezer.
"Ako walang pinapasalubungan. Kasama ko naman kayong lahat, e," si Earl.
"Ako rin," mahinhing dagdag ni Lizette.
"Ako, consistent ang binibigyan," pagmamayabang ni Elide.
"Kaya pala iniipon mo lang sa kuwarto mo lahat?" pagsingit ni Eloise.
"Hindi ko pa kasi naibibigay! Pero lagi kong binibilhan!"
"Iyan ba iyong crush mo simula junior high? Sino iyan sa mga naging babae mo noon?" tumaas ang kilay ni Eloise.
"Wala roon! Basta! Hindi mo kilala!" giit ni Elide.
"Naku! Kilalang-kilala kita! Kahit pilit mong itago 'yan sa 'kin, malalaman ko pa rin 'yan!"
"Weh?! Ano'ng kulay ng brief ko ngayon?!"
"'Wag kayong magsigawan," biglang saway ni Eve nang pataas na nang pataas ang boses ni Elide.
Natahimik sila. Tumawa sina Riva habang humikab naman ako. I'm really exhausted.
"White!"
Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan, sumagot si Eloise. Sinamaan siya ng tingin ni Eve pero hindi siya natinag sa kahahamon kay Elide. Ibinaba ni Elide ang buko juice sa lamesa at sinilip ang shorts niya.
YOU ARE READING
All Alone
Любовные романыInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...