Matagal ang naging pag-uusap nila ni Harvey at Henry. Iritadong-iritado siya sa kaniyang sinasabi at itinatanong kay Harvey. Hinintay niya kaming matapos nang araw na iyon at niyaya kaming kumain sa labas. Hindi siya masyadong umiimik at hindi niya rin ako gaano pinapansin.Naging madalas ang pagdalaw niya sa practice namin. I think it became his usual routine. Laging naka-uniform pa at nagpapalit lamang ng top. Sometimes, he's just really watching, most of the time he's reading and doing some school works. Ako ang nahihirapan para sa kaniya. Bakit ba hindi na lang siya dumiretso sa bahay nila para roon na lang mag-aral.
"Ano 'yan?" I asked him as I accept the bottle of water he offered.
Umupo ako sa upuan sa tabi niya. Dahil lagi nga siyang nanonood, binigyan na siya ng upuan dito sa may gilid kung saan p'wede manood.
Inilayo ko nang kaunti ang upuan ko sa kaniya dahil pawisan ako. Nakakahiya naman tumabi sa kaniya na fresh pa kahit galing school.
Lagi niya akong binibigyan ng tubig kada break time namin sa hapon. Minsan nga kapag late na natatapos ang klase niya ay pauwi na kami. Niyaya niya na lang kami kumain bago dumiretso pauwi.
"Laboratory worksheets," sagot niya at ibinaba iyon sa gilid niya. I opened the water bottle and gulped it at once. "I talked to our designer, p'wede na kayo sukatan bukas ng costume niyo."
Ibinaba ko ang bote ng tubig. "Ang bilis naman."
"Malapit na rin ang first competition niyo," aniya at kinuha iyong bote ng tubig na ininuman ko kanina at uminom din doon.
"Huy! Akin 'yan!" reklamo ko pero nakainom na siya.
"Sorry. Are you a germaphobe?" aniya at pinunasan ang labi.
Umiling ako. Kakainis. Tumingin na lang ako sa loob at tinitigan sina Daven at Shelby na nagprapractice. Irina was chosen for the first pas de deux, Shelby for the second, and me for the last. Nag-away pa nga si Trinity at Shelby dahil hindi si Trinity ang napili.
Ginagawa nila 'yung steps sa part nila. May part doon na itataas ni Daven si Shelby na ang hawak niya ay nasa baywang at sa hita.
Mukhang napukaw din ang atensyon ni Everett dahil tumingin din siya roon.
"Is that okay with you?" napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya.
Tumango ako. "Oo, bakit?"
"Nothing."
"That's ballet. It's normal," sabi ko at tumingin ulit kina Shelby.
"Tagal na nilang pinapractice 'yan ah? Ngayon mo lang napanood?" I asked and look at him.
"Ikaw lang ang pinapanood ko," aniya at humalukipkip.
Oh.
Nabigla ako roon. I didn't expect that.
"S-So alam mo ang steps ng part ko?" I asked when I finally come up with another question to stop myself from overreacting.
"Yeah," he wrinkled his nose. "Yours are the most intimate, big finale for the last, huh."
Napaiwas ako nang tingin. He's right. May steps sa part ko na tatama ang ilong ni Daven sa binti ko papunta sa hita. Medyo naiilang nga ako roon pero that's normal. I've experienced more than that.
Kung si Toby or si Marvin ang partner ko, siguro hindi na ako maa-akward-an.
"It doesn't mean anything, kaya okay lang," pampalubag loob kong sabi.
He turned to me. He looked shocked but he eventually smirked. Bakit ko nga ba sinabi pa iyon? As if naman kailangan kong mag-explain sa kaniya?
Sa hiya ay bumalik na ako sa loob at hinintay na lang na magpractice ulit. Inihatid niya ulit kami nina Toby sa apartment.

YOU ARE READING
All Alone
RomansaInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...