Everett hugged me for so long, but we both know it's just for a while.Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang pinag-usapan namin kagabi. Suminghap ako at bumaling sa side ni Irina. May shooting nga pala sila ni Marvin ngayon. Hindi na natuloy 'yung shooting namin kahapon kaya sila na ang gagawa ng kalahati.
Nagsisimba na kaya sina Eve?
Bumangon ako at sumilip sa labas. People are already moving with their day. I should get going, too.
Naligo ako at nagbihis. Magpapasama sana ako kay Toby sa mall pero naalala kong linggo nga pala ngayon at paniguradong umuwi siya sa kanila.
I know he would come with me if I told him earlier, but I don't want to stole his time for his family.
Nag-commute ako papunta sa pinakamalapit na mall. When I arrived there, saka ko lang naisip na wala pa nga pala akong ideya kung ano'ng magandang iregalo kay Eve.
Napadpad na ako sa kung saan-saang store, wala pa rin akong mapiling regalo. I should buy two gifts. For him and for us.
Lumapit ako roon sa mga nakita kong plaques. A nice lady approached me. I chortled to myself when I realized what my gift might be.
I already bought my first gift when I saw a ravishing artworks. Especially, when I saw a dental-related artwork. Gusto ko sanang bilhin ay iyong malaki pero hindi magkakasya sa time capsule. Pinili ko na lang iyong maliit pero cute pa rin.
Ilang oras pa ako nag-ikot-ikot doon bago pinilit ang sarili na umalis na. Dumiretso ako kina Kane, my high school classmate. Ang alam ko ay may negosyo sila malapit sa school. Doon nagpapagawa ng mga printed projects iyong mga estudyante sa school namin dati.
Napatitig ako sa school namin nang lagpasan iyon. How nostalgic. Akala ko dati, sobrang miserable ko na noong namatay si Papa. Hindi ko akalain na mas magaan pa pala pasanin iyon kaysa sa mga problema ko ngayon.
I knocked when I reached their shop. It looks closed, but I won't lose hope. Bumyahe na ako papunta rito. Gumastos na ako kaya sasagadin ko na. Kumatok pa ulit ako nang wala pa ring nagbubukas.
"Kane?" tawag ko. "Tao po?"
Kane is the only classmate that never treated me like I'm a bad and psychotic person. He has never done anything bad to me. Hindi rin niya ako nilalayuan noon gaya ng iba naming kaklase. We were close, sort of.
Kahit pilit ko siyang nilalayuan noon, hindi siya natitinag at gusto pa ring makipagkaibigan. Hindi niya ako pinipilit na magsalita o magbigay kumento sa lahat ng kwento niya.
I sighed. Aalis na sana ako nang biglang magbukas iyong pinto.
"Sorry, sarad—" he was saying before recognition dawned on his face.
"Hello?" akward kong bati.
"Sienna! Pasok ka!" he opened the door wide.
"May ipapagawa sana ako."
Binigyan niya ako ng upuan. Tinitigan niya ako. Well, it's been three years since we last saw each other.
"Grabe ang tagal nating hindi nagkita," aniya at niyakap ako.
"Oonga e," saad ko nang humiwalay din siya kaagad. "Itinuloy ko ang pagsasayaw."
He nodded, still amused by my presence. Nagkwentuhan kami saglit bago niya itinanong kung ano'ng ipinunta ko. I explained what would I like to do.
"If you don't mind, para saan 'to?"
Nakaharap na siya sa computer nila. I'm sitting beside him. He told me he's taking education. I told him I'm pursuing ballet.
YOU ARE READING
All Alone
RomanceInterstice #1: After the tragedy that his family has been through, Everett blamed himself more than anyone. He wasn't responsible enough to stop his sister's death. Desperate to find the real suspect, he scoured her things. Everything. Every single...