Chapter 11

114 3 0
                                        



"Ano pa ba'ng gusto mo malaman?" inis na tanong ni Trinity sa akin.

Umakyat na kanina pa si Shelby. Ang dami ko pang sinabi para lang mapilit siya na umakyat na. She even warned me that she'll kill me if something happens to Trinity. Nandito kami ngayon ng kaniyang sa CR ng first floor at nag-uusap.

"Akin na 'yung sapatos ko." Inilahad ko ang aking palad sa kaniya.

"Bakit pa? Binigyan ka na naman ng bago nung sugar daddy mo ah," aniya at humalukipkip.

"Bakit pa?" I mimicked her tone. "Nakalimutan mo na bang akin 'yang sapatos na sinusuot mo?"

She shifted her weight and averted her gaze.

"Do I need to remind you na ninakaw mo 'yan sa 'kin?" I really don't want to say that to her, specially when I don't know the reason why she stole something. But she should at least share a minor detail for me to understand and to make me sleep at night. "You should thank me. Wala pa akong pinagsasabihan ng sikreto mo."

Tumingin siya sa akin. She held my hand and pleaded.

"Sienna, I have my reasons. Nakikiusap ako, 'wag mong sasabihin sa iba."

"Ibalik mo sa 'kin 'yung sapatos."

Padarag niyang binitiwan ang mga kamay ko. She looked so perturbed as she paced back and forth.

"Bakit ko nga naman iisipin na madadala ka sa pakiusap?" she chuckled and glimpsed at me.

Lito ko siyang tiningnan.

"E hindi ka naman nagtitiwala," tumawa siya at tumingin ulit sa akin. "Alam mo ba? Inggit na inggit ako sa 'yo!"

"Alam ko," sagot ko naman.

Iritado na siyang tumingin sa akin.

"Ka-close mo sina Henry, close kayo ni Marvin, may offer ka sa Julliard, tapos ngayon may boyfriend kang mayaman!"

"Hindi ko siya boyf–"

"Ganoon na rin 'yon!" sigaw niya.

Napamaang ako sa gulat. "Okay! Ganoon na rin pala 'yon," I muttered.

Lumiliwanag na at nagsisidatingan na ang mga dancers. Ini-lock ko ang pinto ng CR para walang makapasok. Sa lakas ng boses niya kapag sumisigaw, baka mamaya ay katukin na kami rito.

"Wala na kaming negosyo. Nalugi ang lahat nang mga resto namin dahil kay Daddy!" aniya at humikbi.

I was flabbergasted. Ano'ng gagawin ko?

"And my pointe shoes was broken! Hindi ako magaling katulad mo na marunong magtahi!" she broke down. "Nagbayad kami dati ng malaki kina Harvey, I-I thought we'll be close after that pero hindi!"

"If you try to do it on your own, kahit hindi ka marunong, you'll eventually learn how to sew." Bumuntonghininga ako. "Or I'll teach you. I just think you'll prefer to learn it on your own if you want to be independent."

Doon kasi ako natuto. Sarili lang. Wala namang magtuturo sa akin, e. If I didn't try to learn those things by myself, I don't think I'll even know how to do it.

"Why are you so eager to get back the shoes?" nanliliit ang mga mata niyang tumingin sa akin.

Why does it feels like I'm the one begging for her to give it back?

I just want it because it's a gift. A gift from people that I treasured the most. Harvey and Henry. Kung ako lang ang bumili no'n, ibibigay ko na sa kaniya.

Napatalon kami pareho sa gulat nang biglang magbukas ang pinto. A small little girl wearing a tutu faced us. Paiyak na siya nang makita kami sa loob.

All AloneWhere stories live. Discover now