Chapter 7

126 4 0
                                    



Tulala ako habang pumipili kami ng leotards. Marvin looked so confused about how I act. Kanina niya pa kinakalabit si Toby para pasimpleng tanungin pero patuloy lang siyang iniignora ng kaniyang pinsan.

Sa huli ay si Toby na lang ang pumili ng leotard na bibilhin ko. He showed it to me and asked me if it's okay. I just nodded. Wala talaga sa sarili. Mukha pa nga siyang gulat dahil backless iyong pinili niya at alam niyang ayaw ko ng mga ganoon.

"Nakakainis na kayo ah? Kanina niyo pa ako hindi pinapansin," asik ni Marvin habang iwinawagayway iyong dala niyang mga paper bag.

Nagkatinginan kami ni Toby. Tumango ako. "Ikaw na mag-explain."

Pumila na ako roon sa Baskin Robbins para bumili ng ice cream. Sila naman ay nasa gilid ng pila at nag-uusap. Mabilis lang akong nakabili dahil hindi naman mahaba ang pila.

Iniabot ko sa kanila ang cup nila. Marvin is looking at me intensely.

"Ano?" inis kong tanong.

"Mag anak ka na kaya?"

Muntik ko na atang mabitawan ang cup ko dahil sa sinabi niya. I stepped closer to him. Umiwas naman siya nang mapagtanto na babatukan ko talaga siya.

"Gago, nineteen pa lang ako!" itinuro ko siya gamit ang pink na kutsarang hawak ko.

Tumawa si Toby. Sinamaan ko naman ng tingin si Marvin. "Kainis ah, sa susunod 'di ko na ishashare sa 'yo," sambit ko at hinila palayo si Toby.

"Joke lang naman, e," bawi niya at humabol sa paglalakad namin ni Toby.

I kept on thinking about what Toby said. Natatakot ako. Should I trust Eve? Paano kung pagkatapos kong mag open up sa kaniya, iwan niya na ako? I can't bear to lose another friend.

Paano kung maipasa ko sa kaniya yung sakit na dinadala ko? I don't want that.

That would be the last thing I would want. I don't want to be a burden. I don't want them to overthink like me.

Isinukat ko iyong leotard pagkarating namin. Hindi ko na nga na-check kung tama ba ang size na kinuha ni Toby. Hindi ko na rin na-check kung tama lang ba ang padding nito.

I got the curves, alright. But I think my chest is smaller than the usual.

Tulog pa naman si Irina kaya hindi ako nahihiyang magsukat dito sa gilid. Araw-araw man naming nakikita ang isa't isa na ganito lang ang suot, nahihiya pa rin ako.

I diverted my thoughts in wearing a bikini. I really liked the swimsuit I saw in the mall today. Pilit akong pinapabili ni Toby noong bikini pero iyong swimsuit ang nagustuhan ko. Hindi pa ako nakakapagsuot alin man sa dalawang ito pero para na rin naman iyong leotard 'di ba?

I would really love to go to the beach, kahit isang beses lang. Maybe I can wear a swimsuit, like a leotard. Kung bikini kasi, masyadong kita ang balat. Nahihiya na ako.

I grew up in the city. My mother never let me go out of the house. Kahit noong nabubuhay pa si Papa. Baguhan tuloy ako sa lahat ng bagay na ngayon ko lang nararanasan.

Nagpatuloy ang araw-araw na panonood ni Eve ng practice namin. Laging dumidiretso sa school namin pagkatapos ng klase niya. After our practice, magyayaya siya mag-dinner sa labas pero minsan ay tinatanggihan ko na. Baka kasi nagtatampo na iyong magulang niya dahil hindi na siya nakakasabay kumain sa gabi.

Minsan nga ay iniisip ko kung hindi ba siya napapagod? Mukhang mahirap ang kurso niya at marami siyang ginagawa. May isang pagkakataon nga na nakita ko siyang mukhang inaantok habang nakatingin sa amin.

All AloneWhere stories live. Discover now