Violet's POV
Kaarawan na namin ni Scarlet ngayon, at ngayon ko na rin makukuha mula sa kanya si Yuri.
Anong akala nya? Ganun nalang kadali yun? No way!
Hindi ako susuko ng hindi pa lumalaban.
Nung panahong busy si Yuri sa kanya, dun ko nabuo ang planong ito.
Akala nila malilinlang nila ako. Lalo na si Yuri.
Ni hindi nya man lang sinabi sakin na nakakabasa pala sya ng isip.
Kung hindi ko narinig si Scarlet na nagreklamo sa pangbabasa ni Yuri sa isip nya hindi ko rin ito malalaman.
Buti nalang talaga at matalino ako kaya kapag nandyan di Yuri, pilit ko'ng hindi iniisip ang pinagpaplanohan ko.
At ang pagpaparaya sa kanya nun, parte lang yun ng malaking plano ko.
Hinayaan ko syang mapunta kay Scarlet para magmahalan ang mga ito at para mawala na ang sumpa.
Ngayong nangyare na nga, mamaya ay gagawa ako ng eksena para maipit sa isang desisyon si Scarlet.
Nandito ako ngayon sa rooftop ng building na pinili ko as our Venue for mine and Scarlet's birthday. Ito ang pinili ko dahil saktong-sakto to for my plans.
Kanina pa nastart ang party kaya di nila ako napansin nung umalis ako dun nang matapos ang program.
But for now, I'm sure they're looking for me na.
Just watch and enjoy people.
I looked at my wrist watch, 9 pm na. And it's time for me to start the show.
I dialed dada's Number at ilang rings palang ay sinagot nya na ito.
"Hello Violet, where are you? We're looking for you but your not around. Nag aalala na kami ng mom mo"
Bakas sa boses ni dada ang pag aalala.
Perfect! Umaayon na sa plano ko ang lahat.
"Dada"
Pinilit ko'ng palungkutin ang boses ko at umaktong umiiyak.
"Baby, what's wrong? Are you ok? Where are you?"
Sunod-sunod na tanong mula sa kabilang linya.
"Nasa rooftop ako. Pumunta kayo dito, and Bring Scarlet with you ng hindi malalaman ni Yuri.
Or else... I'll jump here"
Banta ko sa kanya bago pinatay ang tawag.
I grinned, it's time...
