Chleo's POV (new cast. Girl yan ah)
12 pm na pero pauwi palang ako sa bahay, galing ako sa gig ko sa city.
Nakakapagod, But I'm enjoying it kaya super Worth it.While driving, nakaramdam ako ng pangangalay sa leeg kaya napahawak ako sa leeg ko using my other free hand at pinaikot-ikot ang ulo ko.
"Hmm"
Mahina ko'ng ungol ng nakaramdam ako ng pagkarelax.Tuloy lang ako sa pagmamameho hanggang sa may napansin ako'ng kotse na parang nabangga sa isang puno.
Nang makalapit na ako dun. I stopped my car at bumaba para tignan ang sakay ng kotseng yun.
Nilabas ko ang aking cellphone sa bulsa ko at in-on ang flashlight.
Sinuri ko ang pinsala ng pagkabangga, hindi gaano'ng nasira ang kotse nya siguro hindi ganon ka lakas ang impact ng pagkabangga ng kung sino man'g taong to.
Sunod ko'ng sinuri ang sakay ng kotse.
Akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse nya pero nakalock .
Naghanap ako ng malaking bato at binasag ang tinted window ng kotse nya para mabuksan ang pinto nito.When I successfully did that, itinutok ko ang flashlight sa pagmumukha nya.
Babae..
Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha nya.
Ang gandang babae... Nakagown pa. For sure mayaman to.I tried to checked her pulse at buhay pa naman.
Sinarhan ko ulit ang pinto ng kotse nya.
Siguro naman may tutulong din sa babaeng to mamaya. Di ko na kailangang magpakahero.
Bumalik na ako sa aking sasakyan at sinimulan na ulit ang pagmamaneho.
Di pa ako masyadong nakakalayo nang biglang magpopped ang itsura ng babae sa utak ko.
'Ang ganda pa naman nun, baka pagsamantalahan pa yun nang kung sino mang makakakita sa kanya'
Sabi ng konsensya ko.'Hindi yan. Baka nga maya-maya gising na yun. Uuwi rin yun'
Sagot naman ng utak ko.'sige ka. Pag may nangyareng masama dun kargo de konsensya mo pa'
Giit pa neto."Arrghh!!"
Hinampas ko ang manibela ng kotse ko at agad ding nag U-turn.
Sana naman maabutan ko pa yung magandang babae.