Scarlet's POV
Is it real?
Si Flinn magpapakasal? Kanino?
Nang magsimula na ang kasalan, salitan ang pagkanta namin ni Chleo.
Nang papasok na ang bride, I got more curious kung sino yun. Sobrang familiar kasi.
"You may now kiss the bride"
Sabi ng pare kay Flinn.Bakas ang saya sa mga mata nya, habang inaangat ang belo ng babae.
My eyes widened ng makita ang mukha nito?Seriously? Sila talaga ni Rio ang nagkatuluyan? What the heck.
Nang matapos na ang serimonya at nasa reception na kami , nakita ako ng bagong mag asawa kaya nakipag kwentohan muna sila sakin.
"Scarlet, about what happened years ago. Sorry huh, minahal ko lang talaga si Flinn. Di ko naman intensyon na agawin sya sayo. Kasi itong gagong to..."
Tinitigan nya muna ng masama si Flinn."Sabi nya sakin break na kayo. Kaya ayun, pinatulan ko nalang din. Sorry talaga huh"
Dagdag nya pa.Napangiti ako sa kanilang dalawa. Makikita mo talaga na nagmamahalan sila.
"Wala yun, tsaka masaya na ako."
I said with sincerity."Nabalitaan ko ang nangyare nung 18th birthday mo. Naglayas ka daw. So where are you all those years?"
Tanong sakin ni Flinn.Siniko naman sya ni Rio, telling him to shut the fuck up.
"Ok lang Rio. Ahm, nasa malayo lang. Namumuhay ng masaya"
Nakangiti ko pa ring sagot.Ngumiti din silang dalawa sakin pero agad ding napasimangot si Rio.
"Nung nalaman ko yun, me and the girls (referring to their group dati) tried to find you. But we failed. San ka ba kasi nag aaral?"
Bakas sa boses nya ang pagtatampo.I feel sorry about what I heard. Akala ko kase hindi sila tunay na kaibigan, but I'm wrong.
"Actually, after non di na ako nakapag aral. I am now one of the vocalist ng banda na kinuha nyo for your wedding at yan ang nag silbing kabuhayan ko to sustain mine and my daughter needs"
I proudly saidNamilog naman ang mata ni Rio at na eexcite na tumili.
Napakamot nalang si Flinn sa reaction ng asawa."May baby ka na?"
She excitedly said and shock at the same time.Masaya akong tumango.
Hindi ko kinakahiya ang pagiging batang ina ko."I want to meet that kid. Balak na din kasi namin ni Flinn na magkaanak. Gusto ko din maging magkaibigan ang magiging anak ko at anak mo"
Napailing nalang si Flinn. Ang cute nila tignan.
Isang maingay at maareteng Rio, then mayabang at basag ulong Flinn."Darating din tayo dyan."-me
"So.. how's the other girls?"
I asked.Sinimulan na ni Rio ikwento ang nangyare sa buhay nya at ng girls nung wala na ako.
Ayaw na yatang puntahan ni Rio ang iba nilang bisita dahil sa kakakwento sakin ng kung anu-ano.
Napansin ko rin na hindi nya inoopen up ang topic about my parents. Siguro nakakaramdam din sya na hindi pa ako reading pag usapan sila.Ang saya ko, dahil buong akala ko walang tumuturing sa'kin bilang isang tunay na kaibigan.
But hearing their sides, naintindihan ko na ba't nila nagawa sakin yun dati.I'm looking forward kapag nagkita-kita na ulit kami.