Scarlet's POV
Around 7 pm na ng matapos kaming kumain.
We are with Indigo dahil kakauwi lang nito mula sa States at gusto nyang bumawi sa akin at sa pamangkin nya.Nanunuod kami ngayon ng Movie sa sala. Hobby na din kasi namin itong mag-ina kaya nakisama nalang din si Indigo.
Si Yuri naman ay nauna na sa itaas.
..
"My queen, aalis ako"Mabilis akong lumingon sa gawi nya.
Akala ko ba matutulog na sya? Bat bihis na bihis ito at aalis nga ika nya.
"San ka pupunta?"
Tanong ko dito.Nagsimula naman akong magduda.
"It doesn't matter love, I need to go na"
She kissed my forehead before facing our daughter."My princess, be a good girl to mama ok? I love you both"
Hinalikan din nito ang noo ng anak namin at tinanguan nya lang si Indigo bago nilisan ng tuluyan ang bahay."Ikaw muna ang bahala sa anak ko Indigo"
I immediately grabbed the key on it's box and use the available car on the garage.
Buti na nga lang at may hoody jacket dito sa kotse kaya sinuot ko agad para hindi ginawin sa byahe.
Tanaw ko pa ang kotse na ginamit ni Yuri kaya maingat ko itong sinundan.
Di ko maiwasang kabahan sa kahahantungan nitong pagsunod ko. Feeling ko kase hindi maganda ang aabutan ko.
Hays, wag naman sana.I have this urge na bumalik nalang sa bahay at hayaan ang pinaggagawa nya. But I can't just sit there and let my Girlfriend to be with another woman.
Patuloy lang ako sa pagsunod hanggang sa humito sya sa tapat ng isang restobar.
Nagpark ito bago bumaba, ganun din ang ginawa ko.Nang nakapasok na kami pareho sa restobar, sinigurado kong hindi nya ako makikita.
Umupo ako sa di kalayuang table mula sa kanya. No need to cover my face with the menu book dahil nakatalikod naman ito mula sa gawi ko.
Akala ko sa drama lang ito nangyayare... But here I am, watching her waiting for someone.
Maya-maya lang ay may lumapit na sopistikada at magandang babae sa table for two kung saan naghihintay si Yuri.
Agad namang tumayo ang girlfriend ko at sinalubong ng matamis na yakap ang babae.Gumuho ang mundo ko sa nasaksihan. Hindi ko lubos maisip na magagawa nya sa akin to. Akala ko ba bumabawi sya? Bat nya to ginagawa?
Sya ba si Cheska?
Ang babaeng dahilan kung bat nagsisinungaling sakin si Yuri?
Kung bakit palaging wala ang girlfriend ko sa tabi ko?
Sya ba?Totoo nga ang hinala ko.
.
Yuri is cheating!