Scarlet's POV
"Idiretso mo sa kwarto namin si Sari. Ayokong marinig nya ang usapan namin ng pamilya ko. And call me Kathryn kapag kaharap natin sila ok?"-me
Tango nalang ang nasagot ni Chleo bago sya pumasok ng bahay.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.
I can do this!
But...
What if nasa loob din si Yuri?
Kakayanin ko kayang harapin sya?
Baka tuluyan lang akong bumigay.Breathe in, breathe out. Woahh!
Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang door knob.
Nangtuluyan na akong nakapasok, ngumiti ako sa kanilang lahat.Napatayo silang lahat ng makita ako.
Medyo nadisappoint ako ng hindi ko nakita si Yuri. Wala silang dalawa ni Violet."Good afternoon po"
Yumoko ako ng bahagya para magbigay galang."Scarlet!"
Lakad takbo ang ginawa ni mom at dada saka ako niyakap ng mahigpit.
Ang mga kapatid ko naman ay umiiyak lang na nasa likod nila.Ang sakit! Ang sakit sakit makita silang nagkakaganito.
Pero sila din naman ang dahilan kung bakit nangyare to so they can't blame me."Ahm... Sorry po, pero pwede nyo ba akong bitawan sandali? Hindi ko kayo kilala"
Bahagya ko pa silang tinulak ng mahina.Niyakap ni dada si mom dahil mas lalo itong humagulhol sa iyak.
Muntikan ng tumulo ang luha ko ng lumuhod bigla si dada sa harap ko.
"Anak, kahit hindi mo maalala. I just want to say sorry sa lahat ng nagawa namin. Naging unfair kami sa inyong magkapatid. Sorry kung hindi namin naparamdam sayo ang pagmamahal namin. We don't even treat you as how we treated your other sisters. Pero anak, god knows how much your mom and I loves you. Hayaan mo kaming bumawi sa lahat ng kasalanan namin anak. Hayaan mo kaming ipaalala sayo ang masasayang alaala ng pamilya natin. Hayaan mo kaming ituon na sa'yo ang atensyon namin."
Hirap na hirap si dada sa pagsasalita dahil sa kakaiyak.I wanted to cry too pero ginawa ko lahat para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
I felt a hands rubbing my shoulder, nang nilingon ko, Si Chleo pala.Agad ko ding hinarap si Dada.
"Tayo na po kayo"
Hinawakan ko si Dada sa braso at tinulungan syang tumayo."Kung ako nga po talaga ang anak nyo, siguro may rason naman ho kayo kaya nyo nagawa yun dati. Hindi nyo na ho kailangang bumawi dahil una sa lahat, nakalimutan ko na yun dahil may AMNESIA ako, at masaya na po ako ngayon sa bago kong pamilya"
Diniinan ko talaga ang pagkabigkas sa salitang amnesia para mas lalo silang makonsensya.Tiningnan ko si Papa Vic at Mama Karen.
Naiiyak din ang mga ito sa kanilang nasaksihan.Ilang oras din silang nanghingi ng kapatawaran ko at paminsan-minsan naman ay kiniwento nila ang ibang alaala na hanggang ngayon ay klarong klaro pa rin sa isip ko.
Ayoko sanag makipag usap sa kanila pero baka magkahinala pa sila na wala akong amnesia kapag imimistreated ko sila.
Napansin kong hindi nila inoopen ang topic about Yuri or Violet.
Siguro nakokonsensya din sila dahil dapat sa ngayon, kami ni Yuri ang magkasama . Hindi ang baliw nilang anak."Anak, nalaman ko from your ate Aubrey na may asawa ka na daw?"
Tanong sakin ni Mom.Sasagot na sana akong maunahan ako ni Chleo.
"Opo, at ako yun"
She proudly said.Napatingin naman ako sa deriksyon nina mama Karen at papa Vic.
Bakas sa mata nila ang pagkabigla.
Tinitigan ko nalang sila ng makahulugan at naintindihan din naman nila ito."Alagaan mo ang anak ko huh"
Bilin ni Dada kay Chleo."Opo, iingatan ko sya at hinding-hindi ko sasaktan ang anak nyo para lang sa ibang tao"
Makahulugan na sagot ni Chleo.I saw how sadness and guilt passed through my families eyes.
Nagawa kasi nila akong saktan para kay Violet.Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng biglang may nagsalita sa stairway.
"Mama, let's sleep na"
Lahat ng mata namin ay nakatingin na sa deriksyon kung saan nakatayo si Sari.
"Come here bunny"
Tawag ko dito.
Nahihiya naman itong lumapit."Apo ko ba yan anak?"
Naluluha na naman na tanong ni Dada.Tango lang ang sagot ko.
"She looks like Yuri. Don't tell me..."
Indigo's face looks confused."Sinong Yuri?"
Mabigat ang loob ko ng tinanong ko iyon.
Kung magkakaamnesia nga talaga ako, Si Yuri ang hinding-hindi ko makakalimutan. My mind can but my heart won't."A-ah wala²"
Sagot naman nya.Psh! Balak talaga nilang ilihim sakin si Yuri.
"Ahmm, pano kayo nagkaanak ng asawa mo nak?"
Pag chechange topic ni dada."Buntis na po sya since dumating sya sa buhay namin"
Sagot ni Chleo."May alam po ba kayo kung sino ang ama ng anak ko? Nagbabakasakali lang po"
Maang-mangan kong tanong.
Tignan ko lang kung magiging honest ba sila sakin o hindi."H-hindi din namin alam"