Scarlet's POV
Nag paalam muna ako kay Yuri para mag cr.
I appreciated Yuri so much, she treated me like a princess on my special day. Well actually, araw-araw nya naman akong binubuhay prensesa, pero iba ngayon eh. Para ba'ng ito na yung pang huli.
Siguro napaparanoid lang ako.
Mamaya lang ay mawawala na rin ang sumpa na nakabalot sa kanya kapag hinalikan ko sya in exactly 10 pm.
pagkalabas ko nang cr, may biglang humila sakin.
It's Indigo,.
"Come with me"
Naluluha nyang sabi.Hila-hila nya lang ako hanggang sa makarating kami sa last floor.
Nakakapagod man pero hindi ko ininda yun.Anong ginagawa namin dito?
Binuksan nya ang pinto ng rooftop at laking gulat ko nalang nang makita ko si Violet na nasa Railings ng rooftop habang sina dada, mom, at Aubrey naman ay nakatingin lang sa kanya habang umiiyak.Napaiyak nalang din ako.
What's happening here?"Scarlet anak, Violet want to talk to you"
Umaiiyak na basi ni mom sakin.Lumapit ako sa kinaruruonan ni Violet pero nahinto rin ng pigilan nya ako.
"Dyan ka lang! Kapag lumapit ka pa tatalon na talaga ako"
Hinila naman ako ni dada papalayo ng kunti kay Violet.
"Scarlet, diba alam mo naman na ikaw lang ang makakabasag ng sumpa kay Yuri?"
Tanong sakin ni VioletTango lang ang nasagot ko habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.
"Alam mo rin na mawawalan sya ng memorya kapag nangyare na yun?"
Tanong nya ulit na sinagot ko pa rin ng tango.I can't speak, hindi ko man lang maibuka ang bibig ko.
"Pwes! I want you to leave her after doing that. Kapag nawala na ang memorya nya hayaan mo na kaming magsama"
Napailing ako sa sinabi nya. No way! Mahal ko si Yuri at ayokong i'let go sya.
Ayokong i'let go ang kumukompleto sa pagkatao ko."No way Violet. Mahal ko si Yuri. At diba napag usapan na natin to? Diba nagparaya ka na para sa aming dalawa? Bat mo pa ginagawa to ngayon?"
Hindi na tumigil pa ang pagtulo ng mga luha ko. Akala ko ok na ang lahat. Bat parang hindi.
Akala ko wala nang problema, pero ano to? Anong ginagawa nya?"It doesn't matter Scarlet. Ang gusto ko lang mangyare ay pumili ka.
Makasama si Yuri o ang buhay ko?"Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Parang gusto ko nalang magcollapse dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Naramdaman ko'ng may humawak sa kamay ko, it's dada.
Nakikiusap ang mata na nakatingin ito sakin."Please anak, pagbigyan mo na ang gusto ng kapatid mo. Pleaseee"
Pag mamakaawa nya sakin habang nakaluhod.Ang sakit pala pag nakikitang nagkakaganito ang magulang mo.
Pero ngayon lang ako magdedesisyon para sa sarili ko eh. Ngayon lang ako magdedesisyon para sa ikakasaya ko.
"D-dada, mahal ko po si Y-Yuri"
*PAKKK!*
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya nang tumayo sya.*PAKK!*
Nasundan pa ito ng sampal ni mom.Parang namanhid ang buo ko'ng pagkatao, hindi dahil sa lakas ng pagkasampal nila. Kundi dahil sa realidad na nagawa akong sampalin ng sarili kong mga magulang.
"Ang selfish mo Scarlet! Uunahin mo pa ang pansarili mo'ng kaligayahan kaysa sa buhay ng kakambal mo. Babae lang yan, marami ka pang mahahanap na ganyan kapag yan ang nawala. Pero kapag ang kakambal mo ang nawala, hindi mo na mahahanap pa yan.
Ikaw lang ang kapatid na mas pipiliin ang iba kaysa sa kakambal nya.
Kung hindi ka natatakot na mawala sayo ang kapatid mo, pwes kami Oo. Natatakot kami!
Mas mabuti nalang na isang selfish na kagaya mo ang mawala. Wag lang ang kapatid mo"Nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni dada dahilan ng pagkabagsak ko.
Yumoko ako at humagulhol ng iyak.Should I let her go?
"Kung-- kung yan ang g-gusto nyo. G-agawin ko... N-na"
Hirap na hirap kong saad.I'm sorry Yuri.