Scarlet's POV
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.
"Gising na yata sya"
Mahinang sabi ng boses babae.
"Tawagin ko lang si Chleo"
Sagot naman ng lalaki.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto.
Malinis, pero hindi ganun kalaki.
Nabaling ang tingin ko sa isang babaeng may edad na.
"Iha, salamat sa dyos at gising ka na. Kamusta na ang lagay mo? Ok ka kang ba? May masakit ba sayo?"
Sunod-sunod na tanong neto sakin.
Dahil dun, naalala ko na naman ang nangyare kagabi. Syett!
Oo, may masakit sakin.... Ang puso ko.
"O-ok lang po ako"
Sagot ko habang pinipilit na maupo sa kama.
Maya-maya lang ay may dumating na may edad na lalaki kasama ang babaeng morena.
"Yan pala si Chleo. Anak namin ni Victor. Sya ang nagdala sayo dito sa babay."
Sabi ng babaeng may edad nang mapansin nyang napatitig ako sa babaeng kakarating lang.
"Oh gising ka na pala. San ka nakatira at---"
Her mother cuts her word.
"Chleo! Mamaya na yang tanong na yan"
Pinanlakihan pa nya ng mata ang anak.
"Ok ka na ba eneng? Gusto mo bang kumain? Hahatiran ka na nalang namin ng pagkain dito"
The old man said.
Ang bait naman pala ng pamilyang to.
Sasagot na sana ako ng magsalita ang babaeng morena.
"Di naman kritikal yan eh. We don't need to serve her"
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Ang amo ng mukha, masungit pala.
Binabawi ko na ang sinabi ko'ng mabait ang pamilyang ito, ang dalawang matatanda lang pala.
"Tama po sya, saka mauna nalang po kayo"-me
Napailing naman ang mag asawa.
"Hindi pwede yan eneng. Kailangan mo'ng kumain para lumakas ka."
Sabi ni mang Victor.
"Oo nga. Wag mo nang intindihin itong anak namin"
Pinandilatan ulit nya ang kanyang anak.
Wala na akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanila.
Nang nasa hapag kainin na kami, dun na nila akong sunod-sunod na tinatanong.
Pero 'hindi ko alam' lang ang tangi'ng sagot ko sa kanila.
I acted that I forgot anything kahit hindi naman talaga ako napuruhan dahil sa pagkabangga ko.
Ba't kasi hindi pa ako natuluyan? I want to end my life. I want to end everything.
Buong tanghalian, nasa akin lang ang atensyon ng magasawa. Ang masungit na anak naman nila ay kumakain lang na parang walang pakealam sa lahat.
Nang matapos kaming kumain, pinasamahan ako ni aleng Karen kay Chleo sa pagbalik sa kwarto.
Ayaw pa sana neto pero kinurot sya sa tagiliran ng kanyang ina.
Nang makarating kami sa kwarto, isinandal nya ako bigla sa pader na tabi ng pinto.
Napaigtad ako sa sakit. P*ta! Masaket pa nga katawan ko sa nangyare kagabi tapos gaganituhin nya na ako ngayon?
"I know you're lying. Kung sina Mama at papa ay naloko mo, well ako hindi."
Madiin ang pagkabigkas nya sa bawat salita na kanyang sinasabi.
I feel nervous. Shezz! Akala ko nakaligtas na ako sa pagsisinungaling sa pamilyang sumagip sakin.
"A-anong pinag sa-sabi mo?"
Utal-utal ko'ng tanong kahit alam ko naman talaga kung ano ang ibig nyang sabihin.
"Di ka tanga kaya alam mo ang pinagsasabi ko. Gusto ko lang na sabihin mo sakin mismo ang totoo.
May amnesia ka ba talaga o wala?"
She pinned me on the wall na kina ilang ko. The heck!
"May amnesia nga ako. I- I can't remember anything"
Maang-mangan ko'ng sagot . Please, sana bumenta.
"You can't fool me. Hindi ganun kalala ang pinsalang natamo mo. Gasgas lang naman yang nasa ulo mo ah. Sabihin mo man o hindi. I know... I know that you're lying"-Chleo.
Napapikit ako ng mariin sa sinabi nya pero agad din'g dumilat.
I saw how she turn her back on me.
"Oo!"
I almost scream that word.
Napalingon sya sa gawi ko with her poker face. Ganyan na ganyan din si Yuri ng una kaming magkakilala. Walang emosyon na makikita sa kanyang mga mata.
I miss my myso. I miss my Yuri.
"Oo, wala akong amnesia."
Pagtatapat ko.
Malalaki ang hakbang na lumapit ulit sya sa gawi ko, I closed my eyes when she lifted her arm na parang sasaktan ako.
Pero ilang minuto na ay wala pa ring palad na dumapo sa kahit saang parte ng katawan ko.
Nang idinilat ko ang aking mga mata, nakatukod ang kamay nito sa pader sa likod ko habang matalim ako'ng tinititigan.
"I hate it when someone is fooling my parents. Kaya kung ano man ang rason mo.
Siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap yan."
Mahaba nyang litanya. I know that she wants me to tell her my reasons kaya sinabi ko rin agad.
Ikenwento ko sa kanya ang lahat. hindi man ito kumikibo, pero alam ko'ng naiintindihan nya ako.
I even asked her a favor.
Kung pwede bang hayaan nila muna akong manatili sa kanila habang wala pa akong kakayahan para buhayin ang sarili ko.
"Ok, but in one condition"
Napalunok ako ng laway sa sinabi nya. Anong kondisyon kaya yon.
"Ano?"
She looked at me intently.
"I want you to tell my parents na wala ka talagang amnesia at gawa-gawa mo lang yong kanina"
Nakakahiya man pero tumango nalang ako.
Hindi ko rin kasi kayang nagsinungaling ng matagal sa isang tao.
"Simula ngayon, treat them as your own parents. Atleast sa ganun man lang magkaruon ka ng rason para mabuhay at wag nang ulitin ang ginawa mo kagabi.
But don't you ever lie on us again. Understood?"
May tinatagong bait din pala itong Chleo na to.
Tumango ako ng paulit-ulit saka nagpasalamat.
"Thank you so much Chleo. Tatanawin ko'ng utang na loob to"
