TIMOTHY POV
Kasalukuyan kami naglilinis ni Rosy sa taas dahil itatabi lahat ng naiwan gamit ng kanyan ina noong sya pa ay nabubuhay.
Paano nga ba ako napunta dito?.
Flashbackkkk.....
Nandito ako sa pinsan ng tatay ko dahil may pag-uusapan sila na kasama rin kami, siguro sa mga pagmamanahan namin sakanila. Ang tatanda na mga tatay namin eh pero tinitilihan parin sila.
Habang umiinom kami dito sa may labas, napag-uusapan din namin ang mga bagay tungkol sa pag-ibig.
"Oh ikaw Tim, musta puso mo" sabi ni Jerry "pinsan namin ni Terrence".
Hhmmm napaisip ako. Musta na ba puso ko?. "Huy ang lalim ng iniisip mo, siguro may nagpapatibok na sa puso mo" sabay kurot ni Steph sa gilid ng tyan ko.
"Tsk! Wala pa" pagsisinungaling ko.
"Weh, wala pa daw" sumulpot naman si Terrence sa tabi namin. "May gusto yan yung tropa ko, pero hindi sya gusto" sabi nya sa lahat ng pinsan namin.
"Ahhhh so saddd naman" with matching sad face.
"Bigti ka na pre" sabi nung isa namin pinsan.
Binato ko sakanya yung hawak kong baso "GAGO" sabay tawa nila saakin.
Ganyan kami pag-buo kami at pag-may birthday, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, minsan seryoso pag-uusapan namin pero mapupunta sa kalakohan. Ang saya nga simula bata kami at hanggang ngayon super close namin, pag-may problema yung isa lahat kami ay reresbak kaya lalo kami napapamahal sa isa't isa dahil walang away ang nagaganap saamin, kung may alitan man na hindi maganda, aayusin namin agad kaya yan yung namana namin sa mga magulang namin ang pagmamahal sa kapwa.
Kringgg kringgggg kringggggg.
"Wait lang mga tol, sasagutin ko lang" hindi ko na pinatapos yung sagot nila, agad ako lumayo sakanila.
KUYA ALI CALLING...
"Hello po" sagot ko agad sakanya.
"Tim pwede mo ba kami tulungan ng kapatid ko bukas?."
"Ah cge po, anong oras po bukas?."
"Mga 8 ng umaga, kung ok lang sayo ah."
"Ah ok lang po saakin, wala naman po ako gagawin."
"Cge thank you, ingat ka."
"Walang anuman po, kayo rin po dyan ingat."
"Bye."
At pinatay ko na yung tawag nya. Masaya nanaman araw ko dahil makikita ko ulit si Rosy.
Kaya agad naku umuwi hindi naku nagpaalam sa kanila, chinat ko nalang si papa na mauuna naku sa bahay dahil maaga pa ako bukas.
End of the flashbackkk.....
"Huy Timothy, ok kalang" kalbit saakin ni Rosy.
"A-ah oo ok lang ako"peste ka Timothy bakit ka nauutal.
Kinapa ni Rosy yung noo ko kung may lagnat ako."Wala ka naman sinat" at kinapa nya rin yung leeg ko. "Ok lang talaga, gusto mo ba ng pagkain" pag-aalala nya tanong.
Bigla naman ako ngumiti dahil nag-aalala talaga sya saakin."Ah ok lang talaga ako,makita lang kita masaya, masaya narin ako" at nakita ko nagblu-blush ang kanyang pisngi. Ang ganda talaga nya kahit walang make-up.
"Sira" at hinampas nya ako ng basahan."oh ayan buhatin mo yan dalhin na natin sa baba."
Ohh ang bigat naman nito."Wala ka naba ipapabuhat saakin?" sympre kailangan ko ipakita sakanya na strong ako.
"Wala na, tara na at baka hindi na makagalaw si kuya doon sa sobra kilig kay ate Shaine" at sinira nya yung pinto ng kanyang ina. Saktong pagkababa namin naririnig nanamin ang tawanan ng kanyang kuya.
"Huyyyyyy kuya ngayon lang ulit kita nakita masaya"pang-aasar ni Rosy sakanya kuya.
"Kuya Ali baka sa sobrang saya mo hindi kana makatulog" pagbibiro ko sakanya at bigla ko inakbayan si Rosy. Oh diba dumadamoves naku.
"Hoy hoy ano yan akbay na yan"sabi ni Terrence, sabay turo nya sa kamay ko.
"Ah eh wala po, nagiistreching lang ako"sabay alis sa balikat ni Rosy. Sayang yun na yun eh.
"Hayaan mo nga sila"suway ni ate Shaine kay kuya Ali."Eh ikaw nga kanina ka pa dikit ng dikit saakin, binawal ba kita" sabay tawa namin hahaha may kakampi na pala ako dito.
"Kumukuha kasi ng tiyempo si kuya, ate Shaine para makascore sayo"pagbibiro ni Rosy.
"Huy hindi kaya ah" pagtatangol ni kuya sa sarili nya.
"Hindi daw eh halos hindi mo naku pakawalan eh" sabi ni ate Shaine.
"Ganyan ka pala kuya ah, pag-andyan na yung taong mahal mo hindi mo na pinapakawalan" sabay sundot ni Rosy sa tagiliran ni kuya.
"Sympre kapag mahal mo, wag mo na pakawalan"at sabay akbay nya kay ate."Diba Tim" sabay tingin nya saakin.
"Oo naman kuya at kapag mahal mo, wag mo na sya pakawalan" sabay punta sa puwesto ni Rosy at tinignan ko sya na nakangiti.
Ang ganda nya talaga kapag namumula sya, feeling ko gusto ko sya ikiss. "Hoy tama na yan, kuya nagugutom naku"sabay talikod nya saakin.
"Oh cge mag-order nalang kami nina Lorain at Shaine, kayo na bahala dito" at sabay tumayo sila ate at kuya. Kaya ang ending kami yung naiwan dito.
Habang nakatalikod si Rosy saakin, hindi naku nagpaligoy-ligoy binack hug ko na sya at sabi.
"PWEDE BA AKO MANLIGAW SAYO."
To be continueddddddd.......
Follow nyo po ako, thank you and keep safe po
BINABASA MO ANG
Doctor Romance (Completed)
RomanceSi Rosy Del Rosario ay isang babaeng may pangarap sa buhay ngunit dumating ang pagkakataon na sumubok sakanya pangarap, dahil may nagmahal sakanya na isang lalaki na nagpaparamdam sakanya kung gaano kahalaga ang isang pamilya dahil isa siyang broken...