Rosy PoV
Kanina pa ako naghihintay kay Faith dahil may usapan kami na magkikita kami pagkatapos ng school namin."Ay naku kahit kailan talaga pinaghihintay ako ng babaeng yan"at kibit balikat ako naghihintay sakanya sa may gate.
Tsk! Malilintikan talaga ito saakin pagnakita ko sya.
5 minutes.
10 minutes.
15 minutes.
At sa wakas.
"Finallyyyyyyy gurl, after one year dumating ka din" paano ba naman kasi muntanga ako naghihintay dito.
Huminga muna sya ng malalim at sinabi."Sorry gurl, ang tagal kasi magpalabas yung prof namin" at hinihingal nya pang sinasabi.
"Keri lang yun gurl, naiintindihan ko naman"pinagpahinga ko muna sya at binigyan ng tubig.
"Ano gurl G naba?"sabi nya.
"Ikaw ba te gurl G kana?"balik ko tanong sakanya.
"G na g" masaya nya sabi.
"Oh ano pa hinihintay natin gorabels na" inakbayan nya ako at sabay na kami naglakad papunta ng sakayan ng jeep.
"Ano te gurl"tumingin ako sakanya."dating gawi ba?"
"Oo naman dating gawi tayo" at ng dumating na ang jeep, sumakay kami kaagad dahil pag-ganitong oras na unahan na sa jeep dahil wala na masyadong dumadahan.
MALL.
Pag-kadating namin ng mall. Una namin pinuntahan ay ang dunkin donuts dahil super favourite ko yun dati. Naalala ko nun bago maghiwalay ang nanay tatay ko, dinadalan ako nang donut ng tatay ko pag-kauwi nya galing trabaho. Aysttttttt nakakamiss yung araw-araw kang may donut sa taong mahal mo.
"Huy naalala mo nanaman ang tatay mo"tinabihan nya ako.
"Oo eh sorry" at pinunasan nya ang gilid ng mata ko. Umiiyak na pala ako. Aysttt bakit kasi ako sinanay ng tatay ko kung aalis rin naman sya. "Ok lang yun gurl, basta nandito lang ako para sayo" at sinubuhan nya ako ng donut. And thanks to her because she always in my side since day one, i'm super thankful because when i have a problem to my family and love, she always there to me.
"Thank you te gurl" at niyakap ko sya.
"Hep hep tama na ang drama, nandito tayo para magsaya" at inayos nya muna ang aking buhok. "Yeah hahahahhaa tara g na"
"G" ^_^mabilis sya pumayag.
Pagkatapos namin kumain, agad kami pumunta sa arcade upang maglaro ng basketball, yun lang naman kasi yung nilalaro namin tuwing pumupunta kami sa mga mall, hindi kasi kami mapagshopee ng mga damit, kaya yun routine namin kakain kami sa paborito ko pagkain o kaya sa paborito nya din na pagkain and then tambay sa may arcade (minsan kasi wala kami dalang pera hahahaa ganun kami kakuripot hahahaha chourrr matipid lang kami kaya ganun), pero kapag may pera ayun todo bili kami ng token tapos uubusin namin sa basketball. Kahit yun lang napapasaya namin ang isa't isa minsan nga hanggang kwek kwek lang kami, sobrang saya nanamin nun kahit dalawang kwek kwek lang super saya namin.
"Ah Rosy may sasabihin sana ako" naputol ang pag-guni-guni ko nung kinalbit ako ni Faith.
"Ano yun te gurl?" kapag kasi first name na yung tawag saakin ni Faith, kabahan kana.
"Wag ka sana magagalit ah"kabado nyang sabi.
"Oo naman"
"Kasi ano"
"Kasi?" hinihintay ko yung sasabihin nya.
"Kas-si ano, nag-ki-ita k-kami ni a-ano"paputol-putol nya sinasabi kaya wala ako maintindihan.
"Ah nagkita sino?"takang tanong ko.
"Si-i"
"Si?" ano ba yan ang tagal nya sinasabi.
"Si-i Ar-rbie" utal nya sabi.
"Sus, si arbie lang pala" wait, what!!!!! "Si ARBIE"gulat ko sabi.
To be continuedddddd............
Please follow and vote po.
Happy 4k readinggggggg😊
BINABASA MO ANG
Doctor Romance (Completed)
Roman d'amourSi Rosy Del Rosario ay isang babaeng may pangarap sa buhay ngunit dumating ang pagkakataon na sumubok sakanya pangarap, dahil may nagmahal sakanya na isang lalaki na nagpaparamdam sakanya kung gaano kahalaga ang isang pamilya dahil isa siyang broken...