Ipl-play nyo po yung kanta pag si Timothy at Arbie na po yung nag-uusap.
Rosy PoV
This is the last day.
Dahil bukas aalis na kami ni kuya at ni Lorain, sa London naku manganganak at mag-tatapos ng kolehiyo.
Alam ko mahirap umalis sa sariling mong bansa, dahil ang daming masasayang at malulungkot na ala-ala, dito kami lumaki, dito kami natuto dumapa, maglakad, tumakbo at dito din kami natuto rumespeto at makisama sa mga tao.
Magis-stay kami doon mga 5 years, uuwi din kami, dahil mas gusto ko pa rin dito tumira, at gusto ko din dito makapag-tapos ng pag-aaral ang aking anak na si Tyson.
Yes po, opo, boy po ang aming anak ni Timothy, kaya Tyson po ang pangalan nya, sinunod ko po sakanya tatay na ang start ng name nila ay T.
Yung surename siguro din ni Tyson yung apelyido din ni Tim , dahil hindi naman ako madamot. Ipapakilala ko din sya kay Tim kapag dumating na ang tamang panahon.
"Rosy tara na, malalate kana sa school" sigaw ni kuya.
"Opo, eto na po" at inayos ko na ang aking sarili bago sumakay ng kotse.
Nang sumakay naku sa kotse ni kuya, may binilin sya saakin, kung ano-ano, halimbawa. Bawal masyado magpapagod, uminom ng maraming tubig, inomin yung mga gamot na bigay ng doctor at huling sinabi nya ay lumayo kay Timothy.
"Mag-iingat ka Rosy ah, wag masyado papa-istress ah" at hinalikan nya ako sa noo bago ako bumaba.
Pag-kabungad ko sa may gate nakita ko na agad ang ama ng anak ko.
Walang iba kundi si Timothy.
hindi ko in-expect na naghihintay si Timothy dun, wala akong ideya, dahil hindi naman sya ganyan dati.
"Ros-" hindi ko na sya pinatapos dahil agad ko sya nilagpasan.
Babaliwalahin na muna kita Tim.
Hanggang sa pagpunta ko sa room namin ay nakabuntot lang sya saakin, tahimik lang sya sinusundan ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room, kumpleto yung tatlo ko kaibigan."Hi Roshy" sabi ni Rence saakin.
"Hi Rosy, may dala ako food para sayo" at pinakita ni Josh yung dala nya pagkain. Ang swerte ko talaga sakanila."Luh, thank youuuuu Josh" kailangan ko na sabihin sakanila na aalis ako, na-realize ko kapag sinabi ko lang kay Rence, magagalit sila or magtatampo kaya sasabihin ko na sakanila tatlo agad dahil last day ko naman eh."Ah guys may sasabihin sana ako"
"Confirmed na buntis ka" masigla sabi ni Josh."Tsk! Hindi yun" ayoko muna sabihin sakanila at baka sabihin nila agad kay Tim.
"Oh ano?" agad sabi ni Josh.
"Eto na oh, nanginginid pa" ang atat kasi eh."A-ano ka-asi, a-ahm ano" kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila.
"Ano, wala kami maintindihan puro ahm, kasi, ano" reklamo ni Terence.
"Oo nga diretsyahan mo na kasi sabihin pinapatagal mo pa eh" reklamo din ni Josh.
BINABASA MO ANG
Doctor Romance (Completed)
RomanceSi Rosy Del Rosario ay isang babaeng may pangarap sa buhay ngunit dumating ang pagkakataon na sumubok sakanya pangarap, dahil may nagmahal sakanya na isang lalaki na nagpaparamdam sakanya kung gaano kahalaga ang isang pamilya dahil isa siyang broken...