CHAPTER 18

969 24 2
                                    

ROSY POV

GOOOOOOODDDDDDDDDD MORRRRNNNIIINGGGGGGGGG WORLD.

Today is Monday.

May pasok na nakakamiss yung mga barkada ko, ilang araw din ako hindi nakapasok dahil sa pagkamatay ng aking ina, pero hanggang ngayon naiisip ko nandito lang sya sa tabi namin na lagi kami ginagabayan, Aysttt... Namiss ko na agad si mama for sure sya lang ang pinagkukuwentuhan ko tungkol sa lovelife ko eh, for sure proud at masaya saakin si mama sa mga nakikita nya saamin nila kuya, I love you always mother.

TOK TOK TOK.

Ano ba yan nakakagulat naman ito, sinira yung pag-eemote ko.

"Huy Rosy Del Rosario dalian mo dyan dahil nandyan yung jowa mo sa baba" sigaw ni kuya.

"Kuya 'di ko jowa yun manliligaw ko palang" nakakainis namn ito si kuya.

"doon din ang matutuloy sa pagiging mag-on nyo" aniya.

"Opo eto na baba na po" at nag-ayos mo naku sympre baka maturn-off pa sya saakin.

Pagkababa ko nakita ko sila na masaya kumakain. Wow close agad talaga kay koya pero dato super sungit ni kuya sa mga manliligaw ko pero kay Tim hindi sya strikto ah.

"Huy ang aga mo ah" kalbit ko kay Tim.

"Sympre baka mamaya sagutin mo naku" sabay kindat nya.

"Ah wow confident ka talaga ah" sabay tawa ko. "At kailan pa kayo naging close ni kuya aber" sabay turo kay kuya.

"Ano ka ba Yats 'di mo ba alam botong boto saatin si Kuya" at tumayo sya para lapitan ako at hinakbayan."Atska confident talaga ako kasi ako yung first boyfriend mo" at kiniss nya ako sa pisngi.

Ano ba yan ang aga-aga pinapakilig ako, pero sympre hindi ko pinapahalata."At sino nagsabi ikaw yung first boyfriend ko."

"Ako bakit?"sumabat si kuya saamin.

"Hindi kaya totoo" sabi ko.

"Anong hindi totoo, eh saakin lahat dumadaan nyo mga nanliligaw sayo" sambit nya.

"Blehhhh nung wala ka kaya may naging jowa ako at si mama lang ang may alam."

"Sino yun Yats" hindi ko pala napansin nasa tabi ko si Tim.

"Ah Yats wala na 'di ko na alam pangalan nun" sabay kamot ko sa ulo.

"ROSY! sino yun?" patay si kuya na nagtanong.

Kinakabahan ako dahil parang galit si kuya dahil wala syang alam sa naging jowa ko nun kaya hindi nya alam kung paano ako nasaktan at sumaya dun sa lalaki na yun.

"A-ah kuya si a-ano s-si Arbie" kinakabahan ko sabi sakanya.

"Bakit hindi nakarating saakin ito"seryoso sabi ni kuya. "At gaano kayo katagal?" dagdag ni kuya.

Ayan na tatadtarin nya naku na mga tanong kanyan, tapos pagsasabihan nya ako, tapos pagbabantahan nanaman nya yung lalaki na yun, sasabihim nya, bakit mo hiniwalayan kapatid ko, tapos hangga't hindi aamin yung lalaki hindi nya titigilan, ganyan ka-over protective si kuya saakin pagdating sa lovelife, kasi daw ayaw nya magaya kay papa na iniwan lang si mama dahil sa babae mas bata kay mama, ayaw nya ako umiiyak na katulad ni mama na araw-araw nya nakikita umiiyak sa tuwing uuwi si papa na may kasama babae, at ayaw nya ako matulad kay mama na naghihirap habang ang papa namin ay masaya sa piling ng iba, ayaw nya ganun kasi nakita nya na paano naghirap si mama noong panahon ma bata pa kami, panahon na iniwan kami ng tatay namin, panahon na naghihirap kami na walang makain, ayaw nya yun saakin kaya sobrang strikto nya saakin kasi gaano nya ako kamahal, ayaw nya ako nakikita nasasaktan dahil lang sa lalaki, kaya sobrang mahal ko itong kuya ko.

"Eh kuya wala na yun, wag na natin pag-usapan" at lumapit sakanya para yakapin sya. "Please kuya love you" paglalambing ko sakanya.

At niyakap nya din ako."Opo i love you too my princess" at kiniss nya ako sa buhok, at tuminging kay Timothy. "Ikaw Timothy pag sinaktan mo ito kapatid ko, makikita mo yung kinakaharap mo" seryoso sabi nya.

"I will do my best kuya" sabi ni Timothy.

"Cge na magsilayas na kayo baka malate kayo" at binigyan nya lang ako baon at hinatid kami sa may gate.

"Bye kuya" at nagpaalam na din sya saaamin.

Kaya buong biyahe tahimik kami ni Timothy, yan nanaman sa pagiging tahimik nya eh, kanina hindi ko pinapansin pero habang tumatagal na  tahimik na sya, ano nanaman kaya problema ito lalaki na ito.

Aystttt.... Mamaya ko nalang sya kausapin baka napagod lang sya or may ginawa sya assignment kagabi kaya siguro pagod sya.

Pagdating namin sa school ganun parin sya hanggang sa hinatid nya naku sa classroom tahimik parin sya."Ah Yats pwede ba kita makausap mamaya" sabi ko.

Tumango lang sya at kiniss nya ako.

Yan tuloy umalis na sya na tahimik, ano kaya problema nun?.

To be continueddddddd........

Doctor Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon