~FAIR DREAM~

395 43 4
                                    

The story, the detail, the character and the situations included are all fiction.

MIACO SERIES#1

--

"Elise pagkatapos ng interview mo ay may meeting ka sa management" Sambit ni Aira sabay ng pagkawala ng malalim na hininga "Tapos may pictorial ka bukas para sa ilalaunch mo'ng bagong magazine" Pahabol nya

Tinaasan ko ng kilay si Aira habang inaayos ng hair stylist ko ang buhok ko "Unang linggo ko palang,Puno na ng trabaho?"

Sinamaan nya ko ng tingin "Sana ay hindi mo pinasok to kung magrereklamo ka" Iiling iling syang umalis sa pwesto.

Huminga ko ng malalim nang matapos akong ayusan ng make up artist ko, Ngumiti ako sa aking sarili sa harap ng salamin.

Dadating pala ako dito.

"Ms. Elise kayo na po" Sambit saakin ng isang staff, Nakangiti akong tumango sa kanya at iginaya nya naman ako papasok sa studio.

Naghiyawan ang fans nang lumabas ako, Nakangiti akong sumulyap sa kanila, Pinipilit itago ang nagbabadyang luha galing sa mata ko.

Unang linggo palang ay ganito na kadami ang pumiling sumuporta sakin.

"Elise Monteverde" Masiglang pakilala saakin ng Host, Nakangiti akong bumeso sa kanya tsaka nya ko iginaya na umupo. "Bumati ka muna sa supporters mo"

"Magandang tanghali" Tanging sambit ko, Naghiyawan lalo ang fans. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin, Hindi ko gamay ang galaw, Naninibago ako.

"So How are you?" Unang tanong sakin ng Host, Hindi pa din napapawi ang mga ngiti sa mukha namin.

"I'm good" pormal na sagot ko

"Anong pakiramdam ngayon na may career ka ng iniingatan?" Nakangiti pa din sya nang itanong yon saakin.

huminga ko ng malalim tsaka sumulyap sa audience bago piniling tumingin sa kanya "Of course I'm glad at the same time I feel pressured" Natawa ko ng bahagya "Naninibago po ako sa galaw pero masaya ko sa mga taong sumusuporta sakin kahit baguhan ako" Tumango sya

"Naging maingay ka sa social media nitong mga nakaraang taon dahil nalink ka daw sa isang Online artist" Tumango ako, Naging tahimik naman ang audience at piniling pakinggan ang sasabihin ko "Naging kayo ba talaga ni Franz Miaco?"

Ngumiti ako ng pilit, Hindi magkamayaw ang kaba na nararamdaman ko. Huminga ko ng malalim bago piniling sumagot "We've been together for almost a month" Tugon ko

Tumango syang muli tsaka ngumiti "So what's the break up reason?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, Pinigilan na maging apektado sa sitwasyon "Sorry, Di ko po masasagot" Sambit ko

"I respect that" Ngumiti syang muli sakin, Kinakapa ang sitwasyon "You guys are good naman?"

"We're civil" Pormal na sagot ko, Iningatan ang bawat salitang lalabas sa bibig ko.

Hanggang ngayon ay apektado pa din pala ko.

Naaalala pa din kaya nya ko kagaya sa kung paano ko sya maalala minu-minuto?

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon