-SIETE-

85 14 0
                                    

Hindi ako magkamayaw sa excitement na nararamdaman ko! Ayoko na sanang maging excited dahil baka hindi na naman matuloy pero hindi ko mapigilan ang saya at kaba sa dibdib ko.

Pinatong ko ang siko ko sa may vanity mirror ko tsaka naghalumbaba, Masaya kong tinitigan ang ticket habang tinataas taas yon.

"Lord, Thank you" Tanging bulong ko.

Isang linggo na ang nakalipas nang puntahan ako ni Franz dito sa bahay, Naging masaya ang araw na yon, Sobrang saya. Kailanman ay hindi ko naisip na maaari akong dalawin ng idol ko dito sa tirahan ko.

Nakatitig pa din ako sa ticket habang inaalala ang pangyayari nung isang linggo at inaalala kung gaano ko kaswerte para puntahan ng isang Franz miaco.

"Asahan mong hindi pa ito ang panghuli" Sambit nya tsaka diretsong sumakay sa binook nyang grab. Nginitian ko lang sya at kumaway.

Natigil lang ako sa pagbabalik tanaw ng kumatok si Mommy at pumasok. "You look good ha" sambit nya tsaka hinatak ako patayo "Mana ka talaga sakin" tsaka sya ngumiti.

I'm just wearing a fitted white tube top with Black leather crop jacket, ripped fitted jeans and a low cut boots.

I tied my hair and put some make up on my face.

Ako ang aattend ng mallshow pero mukhang ako pa ang magpeperform dahil sa suot ko. Sabi kase ni Mommy ay ganito ang suotin ko.

"You're gorgeous baby" Maluha luha si Mommy nang tingnan ako, niyakap ko lang sya tsaka ngumiti. "Tara papahatid na kita sa kuya mo" Nakangiti akong sumunod sa kanya sa baba.

Dire-diretso na kong pumasok nang kotse dahil kanina pa pala nakastart yon, siguradong nagiinit na naman ang ulo ni braderhood sa paghihintay sakin.

"You look good ha" Napangiti ako sa sinabi ni Kuya pagkapasok ko sa kotse, Hindi nya naman kase ako madalas pinupuri, puro lang pangaasar "Mukha nga lang na ikaw ang may pa mallshow baka biglang may sumigaw mamaya don" tiningnan ko sya nang nakataas ang kilay "Oh tabi tabi dadaan si Elise tabi!" pangaasar nya pa, halip na mainis ako ay sabay pa kaming natawa.

Bumuntong hininga ko tsaka ibinalik ang tingin sa daan, Wala akong dalang kahit ano bukod sa maliit na shoulder bag na naglalaman ng wallet at phone ko, Di na ko nagdala ng banner dahil masisira ang outfit ko, ngayon na nga lang ako tinubuan ng confidence na magsuot ng ganito hahaha yung banner ko pala nung unang beses kong nakita si Franz ay nakuha nya, Iniuwi nya daw yon.

"Kuya?" Tinapunan nya ko nang tingin tsaka bumalik sa daan "Paano kaya kung maging boyfriend ko si Franz?" Natatawa ko ng tanungin ko sa kanya yon.

"Asa!!" singhal nya sakin, Sinamaan ko naman sya ng tingin ngunit di nya napansin dahil sa daan sya nakafocus "Maganda ka elise, alam mo yan lahi natin" Kung magsalita naman to ay parang di lalaki hahaha "Pero masyadong mataas ang taong pinapangarap mo" napangiti ako nang bahagya tsaka nanlumo sa sinabi nya "Madami kang magiging kalaban" tumahimik nalang ako sa sinabi ni kuya.

Hinampas na naman ako nang reyalidad.

Bakit ko nga ba pinili na itanong yon eh fangirl lang naman ako.

Naalimpungatan ako sa tunog ng phone ko, Nakatulog pala ko sa byahe. Tumatawag yung isang fangirl na kaclose ko.

"Hello?" Sambit ko

[Bakla san ka na? Malapit na magstart]

Naglinga ako sa paligid "Malapit na" masiglang tugon ko tsaka piniling patayin ang call. Mamaya ko nalang sya tatawagan.

"Dating gawi ha" napatingin ako kay kuya nang magsalita sya "Text mo ko pag susunduin na kita"

"Kuya kaya ko naman magcommute eh" Bumuntong hininga ko matapos sambitin yon, Masama ang tingin nya nang sulyapan ako "Okay, tetext nga" Palagi akong hinahatid sundo ni Kuya, Gusto kong maranasan na magcommute "Hoy magpahinga ka muna ng konti bago ka bumalik sa bahay ha, tingnan mo inaantok ka!" singhal ko

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon