-DIECIOCHO-

89 8 0
                                    

Huminga ko ng malalim nang tumawag si Franz para magpaalam sakin, Magkikita daw sila ni Vane para sa collab for youtube naman daw, utos daw yon ng management. Nung nakaraang araw ay hindi kami nakapagkita dahil magfifilm daw sya ng mga videos, kahapon naman ay mageedit daw sya kaya hinayaan ko na, lahat naman ay iniintindi ko basta para sa kanya at para sa career nya.

Napaigtad ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko.

[Hello?] Si Paulo

"Uy! Kamusta?" Masiglang bati ko, ngayon lang kase sya ulit tumawag sakin simula nung naging kami ni Franz.

[Okay lang ako, Ikaw?] Natawa ko ng bahagya nang medyo may pagkailang sa tono nya

"Shunga, okay lang yun" sambit ko. Alam kong nahihiya sya dahil matagal nya kong hindi kinausap.

[Free ka ngayon? Tara magmall] Pag-aya nya

"Sure!" Masiglang sambit ko

[Sunduin kita] Tsaka nya pinatay ang tawag.

Nangingiti ako nang ibaba ko ang cellphone ko, Pakiramdam ko ay maaalis lahat ni Paulo ang bigat na nararamdaman ko ngayon, Bukod kay aira ay sya lang ang nakakapagpaalis ng lungkot ko.

Pumasok ako sa banyo tsaka naligo matapos ay nagsuot ng high waisted maong pants with plain white shirt pairing with a white sneakers. Pagkatapos ay bumaba na ko para magpaalam kay Mommy.

"oh anak nagbake ako ng cake ha asa ref" sambit ni Mommy "Bat ka nakabihis, may lakad kayo ni Franz?" Ngumiti ako ng pilit sa kanya

"Mall lang kami ni Paulo mommy" Ngumiti ako sa kanya

"Ngayon mo lang ata ulit nasambit ang pangalan ni Paulo" Sambit nya. Natawa ako ng bahagya dahil totoong ngayon lang ulit lumabas sa bibig ko yon.

"Ngayon lang ulit nagyaya mom" Sambit ko "Alis na po ako" Lumapit ako sa kanya at bumeso.

Wala pa man si Paulo ay pipiliin ko nang sa labas na lang maghintay, madalas kasing nagpapakwento si Mommy tungkol kay Franz kaya pinili ko munang umuwas, pakiramdam ko ay ang bigat ngayon pag nagkwekwento ko.

Nang pumarada si Paulo sa tapat ng bahay namin ay dali dali akong sumakay don, hindi ko na inintay na bumaba sya. "Musta?" Sambit ko habang nilalagay ang seat belt ko.

"Okay ka lang?" Napasulyap ako sa kanya nang sambitin nya yon ng may pagaalala. Tinanguan ko lang sya tsaka umiwas ng tingin nung nakatitig sya sakin.

Ilang minuto na ang byahe at walang pinipiling magsalita saaming dalawa. "Kwento ka naman dyan" Pagbabasag ko ng katahimikan

"Ikaw ang magkwento Elise" Ngumisi sya "About everything, about Franz" Nanlalaki ang mata kong tinapunan sya ng tingin.

"We're okay" Tumawa ako ng bahagya

"You're not, Elise" Iiling-iling syang nakatingin sa daan "Kinuwento sakin ni Aira lahat Elise, hindi ka makakatanggi sakin" Ngumisi sya

Naalala ko ang sinabi ni Paulo dati, 'pag sinaktan ka nun hindi ako magdadalawang isip na kunin ka'

Hindi na ko nagsalita at pinili na lang na manahimik buong byahe. Nang makarating kami sa mall ay nagyaya muna si Paulo na kumain.

"Ako na" Ngumiti ako kay Paulo nang tumayo sya para umorder ng pagkain.

Ilang minuto lang ay nakabalik na sya, Nakangiti sya sakin nang ilapag nya ang pagkain "Ano yang ngiti na yan?" Natatawang sambit ko.

Umupo sya sa tapat ko "May kumuha ng number ko, babae" Iiling iling syang tumawa "Di ko binigay" Paglinaw nya

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon