-EPILOUGE-

112 12 4
                                    

5 years and I'm still in love with you

Sambit ko habang pinagmamasdan si Franz na maglaro sa buhanginan. Tatlong taon na ang lumipas at nanatili kaming nasa tabi pa din ng isa't isa. Malayo na ang karera na natahak namin, May sarili na kaming pelikula at masaya kong naging successful yon.

"Ate Elise samahan mo ko" Sambit sakin ni Zia, Tumayo ako at nagpagpag ng shorts ko bago sumunod kay Zia

"Where are we going ba?" Hila hila ni Zia ang braso ko, Napansin ko naman na papasok kami sa kwarto.

Ipinagtaka ko nang bigla nya kong paupuin paharap sa vanity mirror. "Ate trust me" Bagsak at balikat ko na tumango sa kanya, Kumuha sya ng make up at nilagyan ang mukha ko bago kinulutan ang buhok ko.

Hindi ko naman na sya kinontra dahil sabi nya ay pagkatiwalaan ko sya. Matapos nya kong ayusan ay ibinigay nya sakin ang white floral dress "Anong gagawin ko dito?" Takang tanong ko

"Ano bang ginagawa sa damit ate? Diba sinusuot?" Inirapan ko sya dahil sa sagot nya

"Magaling kang bata ka" Sarkastiko kong sambit dito tsaka kinuha ang dress at tumalikod para suotin yon.

"You look pretty ate! Sana ol!" Ngumuso ako nang magtatalon pa si Zia dahil sa tuwa sa hitsura ko

"Ano bang kalokohan to Zia?" Maarteng sambit ko tsaka nagpout

"Just trust me ate" Tsaka nya ko hinila palabas ng kwarto

Habang palabas kami sa hotel ay kakaibang kaba ang naramdaman ko. "Zia I feel nervous" pagpapakatotoo ko habang nililisan namin ang hotel, Nginitian lang ako ni Zia tsaka ibinalik ang tingin sa daan.

"Ma'am may nagpapaabot po" Paglapit saki ng guard habang may dala na isang bouquet ng yellow tulip

"Haba ng hair, abot hanggang bora sana ol" Pangaasar sakin ni Zia

bumaling ako sa guard at kinuha yon "Thank you po" Sambit ko dito tsaka ngumiti, hindi na ko nagtanong dahil alam ko namang kay Franz galing ito.

Sya lang ang nakakaalam ng paborito kong bulaklak.

Habang naglalakad ay iba na ang pakiramdam ko, Lalong nadagdagan ang kaba ko nang makarating kami sa beach at puro petals ng rosas ang nadadaanan ko. "Zia, ano to?" Sambit ko

"You will like it ate" Kinindatan nya ko tsaka iniwan

Habang naglalakad ako ay pumapatak na ang luha ko dahil nasusulyapan na ng mata ko ang mga pamilya at kaibigan ko na tipon tipon don.

Nang makarating ako sa gawing yon ay binigyan nila ng hati sa gitna para makita ko kung sinong tao don.

Lalo akong lumuha nang makita si Franz doon na may dala ulit na bouquet ng tulips. Tumigil ako sa paglalakad at dahan dahan naman siyang lumapit sakin.

"For the one I truly love" Sambit nya tsaka iniabot ang ibat ibang kulay ng tulips, Naluluha naman akong kinuha yon "Sa tagal ng panahon at pinagsamahan natin ay madami tayong tinahak, madaming naging hadlang, madaming naging unos pero nanatili tayong matatag at hindi nagpatalo" Tuloy tuloy na sambit nya, Lumapit sya sakin para hawakan ang isang kamay ko. "Walang piniling sumuko, walang tumakbo sa laban"

Sinulyapan ko sila Mommy na nagpipigil ng kilig, ang mga kaibigan ko na nakangiting nakatingin samin, Hindi ko napigilan ang pagiyak.

"Sa dami ng tao sa mundo ay sayo ko dinala, Sayo ako naging masaya, ikaw ang ibinigay sakin para maging buo ako...Sana hayaan mo kong mahalin ka at alagaan higit pa sa pagmamahal na binibigay mo sakin" Tumango tango ako habang patuloy pa din na bumubuhos ang luha "Hayaan mo kong mahalin ka panghabang buhay at buoin ka sa kabila ng mga pagkadurog"

Nanlaki ang mata ko at halo halo ang naramdaman ko nang lumuhod sya at may kinuha sa bulsa nya habang hawak pa din ang kamay ko "I may not be the perfect boyfriend but I will always do everything just to make my lady special and feel loved... I don't want you to be My girlfriend anymore... be my wife now" Napahagulhol ako ng tuluyan at hindi na napigilan ang paghikbi ko "Will you marry me?" inilabas nya ang singsing

Napasapo ako sa bibig ko at binitawan ang kamay nya. Pilit kong pinunasan ang luha ko "How can I say no to Franz Miaco?" pagulit ko sa sinabi ko nang tanungin nya ko kung pwede nya kong maging girlfriend noon "Of course I will marry you"

Sinuot nya sakin ang singsing at hindi napigilan ang pagiyak, Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Narinig ko ang sigawan ng pamilya at kaibigan ko pero hindi namin ininda ni Franz yon, Nanatili kaming nakayakap sa isa't isa sa loob ng ilang minuto.

"I love you" He said softly and lean down to gift me a soft kiss.

"I love you too" sambit ko nang kumalas ako sa halik nya tsaka ko sya muling niyakap.

Dati ay isa lang ako sa humahanga sayo, ngayon ay makakasama ko na ko sa pang-habang buhay.

Wala ngang masamang mangarap, Hindi imposibleng maabot mo ang pangarap mo.

Heto na ko ngayon, naabot ko na si Franz at parehas na kami ng mundo.

"I will always be your moon" Sambit ni Franz saakin

"I will always be your universe" Tugon ko dito. "Naging patas ang mundo satin, Naabot ko ang panaginip at pangarap ko, Naabot kita Franz" Hinigpitan nya ang pagkakayakap sakin

"Naging patas ang mundo, Dinala ko nya ko sa panaginip mo" Muli syang kumalas sa yakap at binigyan ako muli ng halik.

Naging patas ang mundo, ginawang katotohanan ang panaginip.

Naging patas ang mundo, hindi ako inilayo sa pangarap ko.

Naging patas ka Franz dahil ikaw ang panaginip na matagal kong hinangad, Matagal kong ninais makuha.

At ngayon parehas na tayo ng tinatahak, Iisa na ang ating daan, Iisa na ang ating lilikuan.

Sa patas na mundo ay magiging patas din ang pagmamahal ko, Mananatili kang pangarap na palagi kong gugustuhin na makuha.

Your Vianca Elise Monteverde

Will always love you.

Fair Dream.


Main Character:
Franz Jhay-R Caparas Miaco
Vianca Elise Jonson Monteverde

Special Character:
Jhaden Eli Monteverde - Elise Brother
Theoden Monteverde- Elise Father
Vieli Monteverde- Elise Mother

Paulo Romes
Vane Romes

Zianara Tan
Railey Miaco

Other Character:
Miaco Family

Caya Romes
Jimmy Romes

Aira, Kath, Bryan, Jake, Ryle, Dave - Elise Squad

Veri, Jayve, Justin, Blythe- Franz Squad

Faith, Carren and Rey.

Will see you again, Maybe in another chapter of life.

Never ever give up on your dream, God will always provide.

-YOUR FRANLISE

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon