-DOCE-

93 13 0
                                    

Elise POV.

Dumaan ang isang linggo na hindi kami nagkikita ni Franz, Itetext nya ko sa umaga para batiin ng Goodmorning at Goodnight naman sa gabi, Paminsan ay naguusap kami through call dahilan para masanay na kong kausap sya at hindi na kabahan. Hanggang ngayon ay naninibago pa din ako sa sistema namin ni Franz, hindi ako sanay sa ganon lalo pa ngayon na nagkakaroon sya ng issue about sakin na pinaguusapan ng madla, hindi ko alam kung paano ihahandle.

"You look pretty anak" Nakangiting sambit ni Mommy pagkatapos nya kong makeupan. Tumayo ako para kuhanin ang gown at isuot, Tinulungan naman ako ni Mommy na gawin yon.

Nang makabihis na ko ay tiningnan ko si Mommy ng nakangiti, niyakap nya ako ng mahigpit na syang ipinagtaka ko. "Bakit mom?" Sambit ko, Kumalas sya sa yakap sakin tsaka ako tiningnan.

"Napaka ganda mo anak" Ngumiti ako sa kanya tsaka inaya sya pababa.

Iniintay ko lang si Franz dahil sabi nya ay susunduin nya ko para sabay kaming dumating sa event.

I am wearing a vneck gold long gown with slit dahilan para makita ang right leg ko, pairing with a black block heels and Gold clutch. Mom's tie my hair in a bunned and put a light make up on my face.

Hindi ako sanay sa mga ganito, I mean minsan umaattend naman kami sa mga formal parties but I'm with my family naman, ngayon ay si Franz ang kasama ko, Hindi ako pamilyar sa mga taong makakasalamuha ko kaya medyo concious ako ngayon sa hitsura ko.

Kinabahan na naman ako nang marinig ko ang tunog ng doorbell, Hindi ako kinakabahan na makita si Franz ngayon, kinakabahan ako dahil pinapangunahan ako ng isip ko na baka hindi magugustuhan ni Franz ang hitsura ko.

"Anak, Iniintay ka ni Franz sa labas" Ngumiti sakin si Mommy tsaka lumapit upang yumakap, Ngumiti din ako sa kanya bago piniling puntahan si Franz.

Huminga ako ng malalim at pinilit alisin ang kaba, Ayokong magmukha na naman akong weird sa harap ni Franz.

Nakapamulsa si Franz habang nakasandal sa kotse nya, Diretsong nakatingin sakin, Nginitian ko lang sya ngunit hindi pa din nya inaalis ang tingin sakin "Baka tumulo laway mo" Pangaasar ko dahilan para mapaayos sya ng tayo at pilit ibinabaling sa iba ang tingin.

"Hi" Ngumiti din sya tsaka binuksan ang pinto para sakin, Nakangiti naman akong pumasok don. Inintay ko lang syang makaikot at makaupo sa driver seat muli syang ngumiti sakin bago pinaandar ang porsche nya. "You're gorgeous" Tinapunan nya ako saglit ng tingin tsaka bumaling sa daan.

Ngumiti ako ng bahagya "Thankyou" tugon ko, Tinapunan ko sya ng tingin, He's wearing a black tuxedo, Ngayon ko lang sya nakita na nakaformal attire even sa pictures di ko pa sya nakikita na ganyan, Lalo syang gumwapo sa suot nya ngayon. "Mister Miaco" Pangaasar ko

"Yes? Misis Miaco?" Kunot ang noo ko syang tinapunan ng tingin, Bahagya naman syang natawa nang maramdaman nya ang tingin ko.

"Misis...What?" Taas ang isang kilay na sambit ko.

Nagkamali yata ako ng dinig, Pakilinaw.

"Ayaw mo ba?" Nakangisi sya nang sambitin yon "Parang mas maganda ata.. hmm" Umasta syang nagiisip "Yes? Misis ko?"

Lalo ata kong namula dahil sa sinabi nya, Kinagat ko ang pangibabang labi ko para mapigilan ang ngiti ko.

Bumuntong hininga ko nang maalala ang mga posibleng kaganapan mamaya. 'Si franz miaco may kasamang babae, Sino kaya ang kasama ni Franz?' Paniguradong laman yan ng social media mamaya, Hindi ako handa sa panghuhusga ng tao, hindi ako sanay na nakakapukaw ng atensyon ng iba.

"What's on your mind?" Nagulat ako ng bahagya nang biglang magsalita si Franz.

"Ano ka facebook?" pangaasar ko, Sinamaan nya naman ako ng tingin. "Pano mamaya? Paguusapan ka ng mga tao" Pinilit kong ngumiti sa kanya

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon