-VEINTE-

63 8 1
                                    

FRANZ POV.

"Bakit mo piniling pasukin ang industriya na to?" Nakangiti ang host habang iniinterview sya

"Because of someone" Nagkibit balikat sya at ngumiti ng pilit

"Si Franz ba?" Tanong ng host, Pilit lang ang ngiti na isinagot sa kanya "Kung babalikan ka nya, Is there still a chance?"

Nagsigawan ang mga manonood "We'll see"

"Paano yan mukhang babawiin ka sakin" Natatawa si Vane nang patayin nya ang Tv.

"Hindi ako kailanman naging sayo" Pangaasar ko dahilan para mapatawa kami pareho.

Kakatapos lang namin panoorin ang interview ni Elise sa TV, Nakangiti ako nang maisip na mas mataas na sya sakin ngayon.

Napakabilis nga naman ng panahon, dati ay isa lang sya sa sumusuporta sakin pero ngayon ay isa na sya sa sinusuportahan ng madaming tao.

"Ako pa din kaya?" Tanong ko kay Vane

"2 years na Franz, ano sa tingin mo?" Tumango ako sa kanya "Hindi mo manlang binigyan ng oras yung tao para magpaliwanag" Huminga sya ng malalim.

Hanga ako sa ugali na meron si Vane kasi nakukuha nya pa ding intindihin si Elise kahit na may nararamdaman sya para sakin.

Sa 2 years naming magka loveteam, kailanman ay hindi sya nagtake advantage sa nararamdaman ko, Masyado syang matured at inaamin kong kahanga-hanga yon sa kanya pero hindi pa din non mapapantayan ang naipakita sakin ni Elise.

"Sinubukan ko naman syang kausapin" Mahinahong sambit ko

"Pero nauna mo syang husgahan Franz" Ngumiti sya sakin saka intinuon ang paningin sa cellphone.

Sa dalawang taong yon ay napagisipan ko ng mabuti kung ano ba talaga ang ginawa ko, Hinayaan kong mawala sya sakin at nagpadala ako sa emosyon ko. Sinubukan ko syang tawagan pero walang sumasagot, sinubukan ko syang puntahan sa kanila pero wala daw sya don, Nagdeactivate din sya sa mga social media accounts nya.

"Tingin mo napatawad na nya ko?" Muli kong tanong kay Vane

"Sa tingin ko ay oo" Nabuhayan ako nang sambitin yon ni Vane "Pero kung hindi, Wag kang sumuko hanggat ibigay nya yung kapatawaran na yon" She gave me a little smile.

Tumango ako sa kanya tsaka sya iniwan na, Sumakay ako sa kotse at uuwe ng bahay.

Nang i-istart ko na ang kotse ko ay biglang tumunog ang phone ko, Chineck ko muna yon bago sinagot ang tawag.

"Veri" Sambit ko

[San ka?] Tanong nya

"I'm on my way home" Narinig ko ang pagsangayon nya

[Punta ka dito Bar, Dating gawi] Tsaka nya pinatay ang tawag.

Wala akong nagawa kundi pumunta ng bar dahil wala naman akong choice, hindi na ko nakaangal sa asal nya.

"Bat andito ka na naman?" Inis na tanong ko tsaka umupo sa tapat nya, Nasa VIP table kami ngayon.

"Party ano pa ba" Natatawa nyang sambit tsaka nilapag ang vodka sa lamesa

"Ang mahal naman ng alak mo, Malalasing ka naman sa Gin eh" Pangaasar ko, Iiling iling naman syang tumagay

"Sosyal mga kaibigan ko baka magreklamo" Taka ko syang tinapunan ng tingin, napangisi naman sya nang mapansin ang titig ko "May inimbita ko sila Aira"

Bigla atang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ng kaibigan ni Elise. Simula kase nang maghiwalay kami ni Elise ay nawalan na din ako ng balita sa kanila o baka iniiwasan lang ni Veri na mabanggit sakin ang mga konektado kay Elise.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon